Chapter 13 (Parang may mali)

96 10 2
                                    

LUNA'S POV

My heart have been beating so fast the moment North called my name earlier.

I thought I was caught by him. Muntik na Luna. Mabuti na lang at nalusutan ko siya pero hindi rin ako sigurado kung naniwala ba siya sa mga sinabi ko dahil hindi pa rin naalis ang kunot noo niya kagabi noong iwan ko siya.

It was so hard for me thinking an effective alibi just to make him believe that what I was saying is true.

Sobrang pakialamero talaga ng lalaking 'yun! Hays! Bakit ba kasi siya pasulpot-sulpot na parang kabute? Para siyang si the flash dumating eh.

Napapadyak na lamang ako sa sobrang pag-kainis at pag-kadismaya.

Pumasok na ako sa gate at tanging ang kasambahay lang namin ang nasa loob. Siya na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin.

"Oh, Luna! Mabuti naman at nandito ka na. Kain ka na! Saktong-saktong kakaluto ko pa lang nang ulam. Mainit-init pa 'yun," wika ni Yaya Teresa at iginiya ako papasok sa loob.

"Sige po," wika ko at nilagay ang bag ko sa couch.

"Yaya Teressa. Wala pa po ba si Tita?" Tanong ko rito at dumiretso sa kusina upang kumuha ng tubig.

"Wala pa eh," tugon naman nito at nag-lagay na ng isang plato sa lamesa.

"Ah Yaya. Sabayan mo na akong kumain. Ayaw ko kasing kumain mag-isa," wika ko rito. Ngumiti naman siya akin at kumuha na ng isa pang plato.

"Si Kuya Rey po pala? " tukoy ko sa hardinero namin.

"Ah, umuwi muna Luna. Malapit lang naman bahay nila dito sa subdivision kaya umu-uwi lang siya kapag gabi at pumu-punta kapag umaga," paliwanang nito at umupo na sa tapat ko.

Tumango na lamang ako at nagsimula nang lagyan ng pagkain ang plato ko.

Nang makatapos kumain ay kinuha ko na ang bag ko sa couch at umakyat na sa taas.

Tinapon ko ang sarili ko sa kama at nagpagulong-gulong.

Ano ng gagawin ko? Paano ako makakalapit kay Hara nang walang nangingialam? Paano ko siya mapapa-amin!?

"ARGH!" inis kong sigaw at sinabunot ang buhok ko.

Kainis naman kasi ni North! Kung hindi sana siya dumating, sana umamin na si Hara. Nakaka-inis talaga ang abnoy na 'yun.

****

Pagkagising ko ay naligo na ako at nag-ayos. Bumaba na rin ako at nakita ko si Tita na nasa couch.

"Pamangkin!" rinig kong sigaw nito.

"Oh tita nandyan na po pala kayo," nakangiting saad ko at lumapit sa kanya.

"11 pm na ako naka-uwi. Alam mo na sobrang traffic sa syudad. Hindi na rin kita ginising dahil parang ang sarap na nang tulog mo. Salubong pa ang mga kilay mo kagabi. May nangyari ba sa school niyo?" nag-aalalang tanong ni Tita pero umiling-iling lang ako.

"Siya nga pala tita 'wag mo na po akong i-hatid magpahinga ka na lang dahil alam kong pagod ka pa," pag-iiba ko nang usapan.

"Sige. Mag-iingat ka hah?"

Tumango naman ako at tumalikod na. Kinuha ko na ang bisikleta ko at sumakay.

Kaibiganin ko kaya si Hilaga tapos sabihin ko kay Hara na aagawin ko ito sa kanya para mas lalo siyang ma-inis nang ma-inis sa akin? Baka kasi kapag nagalit siya sa 'kin ay gawin niya rin sa akin ang ginawa niya sa kapatid ko. 'Yun ay kung magawa niya dahil kung hindi...

Kung mabigo man siyang patayin ako sasabihin ko sa buong school na pinatay niya ang kapatid ko. Para mapatalsik na rin siya sa paaralan at pagbayaran niya na ang kasalanan niya.

I want to be her karma.

"Ay kabayo!" bigla kong saad dahil sa malakas na busina na nangga-galing sa tabi ko at sina-sabayan ako.

Paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko ang isang pamilyar na motor at naka helmet na lalaki.

Tumigil ako at ganun din siya pagkatapos ay inalis na niya ang helmet sa ulo niya at nginisihan ako.

"Para ka namang nakakita ng multo niyan," nakangising saad nito sa akin.

"Sinabi mo pa! Ano na naman bang kailangan mo?" inis na singhal ko sa kanya pero pinag-krus niya lamang ang kanyang mga braso sa dibdib niya at sumandal sa motor niya.

Hindi ko alam pero nagiging komportable akong ilabas ang totoong ugali ko kapag kaharap ko si North, parang sa kanya ko lahat nabubuhos ang inis ko na hindi ko naipa-pakita kina Hara.

"Anong ginagawa mo kagabi sa campus? Para talagang may mali eh," kunot-noong tanong nito at tiningnan ako nang may halong paghi-hinala.

Aga-aga naman North!

Parang 'di ko ata kayang makipag-kaibigan sa lalaking ito, parang imbestigador.

"'Di ba sinabi ko na sa'yo? Humiram lang ako ng libro para sa assignment ngayon," paliwanag ko pero tumango-tango lang siya na parang hindi pa rin kumbinsido.

"Bahala ka sa buhay mo. Aga-aga napaka-tsismoso," mahina kong saad at pina-andar ko na ang bisikleta pagkatapos ay mabilis na nilagpasan siya.

Paulit-ulit niya akong tinawag pero hindi ko na siya inintindi. Nakarating na ako sa parking-an ng bisikleta ko at nilagay ito dito.

"Miley!" sigaw ni Stryker. Nakangiti naman akong tumingin sa kanya at iwinagayway ang kamay ko para mag-hello rito.

"Styker!" masiglang saad ko pero muntik na akong ma out balance dahil sinalubong niya ako nang yakap.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla at mabilis na itinulak siya palayo sa 'kin.

Rinig ko namang umingay ang paligid dahil sa naging bulong-bulungan ng mga studyante sa hallway.

"Oh, i'm sorry! I'm just happy to see you," Hinging-paumanhin nito pero nginitian ko lang siya at naglakad na kami papuntang classroom namin.

Dumiretso na ako sa upuan ko at nilapag na ang aking bag.

"Nga pala, Stryk!" tawag ko kay Stryker.

Nagtataka niya akong tiningnan at lumapit sa akin ,"Bakit?"

"A-Ah 'yung notebook mo. Isasauli ko na. Salamat ah," nakangiti kong saad at ini-abot sa kanya ang notebook.

"You're always welcome, Miley," nakangiting saad nito at kumindat.

"Hindi ba papasok ngayon si Hara?" rinig kong tanong ni Kaye kay Shannia.

"I don't know. She just texted me last night and said that she can't attend class today," maarte at umiiling na tugon ni Shannia.

Mabilis namang lumapit sa kanila si Valissa at malumanay na nagwika,"Maybe she had an important matter to do today."

Napangisi na lamang ako at napa-irap sa hangin.

'Yun pa nga lang ang ginawa ko natakot na siya? Weak! Dapat sana nginudngod ko nguso 'nun sa sahig para umamin eh kaso dumating naman ang Hilaga na nagpaka-super paki-alamero.

"Tsk!" anas ko at pumangalumbaba.

Nakita kong papasok na si Hilaga sa room kaya ibinaling ko ang tingin ko sa bintana at nakita ko ang mga nagba-basketball na mga freshman habang chine-cheer naman ng ilang mga babae.

"Guys! Hindi raw papasok ngayon si Ma'am!" masayang sigaw ng kaklase ko na bigla kong tinapunan nang tingin. I think siya yung P.I.O. A public information officer, indeed. His position suits him very well.

Lahat naman ay nagsipag-sigawan dahil sa tuwa at nag-plano kung saan sila magpapalipas ng oras ngayong free time.

"Shannia, Kaye! Punta muna ako kina Hara," wika ni Valissa at tumakbo na palabas.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon