"Everytime she's depressed, stress or worried about something. Eliz comes out and 'caused trouble. Noon kasi pinagalitan si Valissa ng isang teacher namin dahil sa late na pagpasa nito ng projects. Pinahiya siya sa harap ng klase," seryosong saad niya habang ako ay hindi pa rin makapaniwala.
The Valissa, I know was kind and innocent. I don't know that she has that kind of illness.
"Namalayan na lang namin na sinapak niya 'yung teacher namin. Na suspend siya 'nun nang ilang araw at dahil nga may impluwensya naman ang mga magulang niya which are "lawyers" ay nadaan sa usapan. Doon din namin nalaman na may split personality siya," dagdag pa nito.
"Pero paano siya nagkaroon ng split personality?" takang tanong ko.
"She was kidnapped when she's 8 years old. Na-trauma raw sabi ng mga tsismis ng schoolmates natin," bulong niya sa akin.
Now, I know who she is. She was the one who pushed my sister.
Naikuyom ko ang kamay ko at hindi ko na alam. Halo-halo na ang emosyon ko. Pinagkaisahan nila ang kapatid ko.
Iniwan ko si Yuri sa garden. Tila nawala ako sa sarili ko. Bakit nangyayari ito? Naging masama ba ako sa past life ko?
I am now walking with a heavy heart. Nababangga ko na rin ang mga nakakasalubong ko pero hindi ko na sila pinansin.
My eyes now is tearing up and the trembling of my body makes me weaker.
"Luna," rinig kong saad ng isang boses pero nilagpasan ko lamang siya.
Siya lang naman ang nakakakilala sa akin.
"Hey!" tawag nito sa akin pero hindi pa rin ako tumitigil.
Bigla niyang hinablot ang braso ko at walang gana ko naman siyang tiningnan.
"W-Why are you crying?" he asked with his creased forehead.
Iwinaksi ko lamang ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko naman na wala na siya. Nakalabas na ako sa gate at napaupo sa gilid ng kalsada habang nakayuko.
I was crying again.
Alam ko na maraming tao ang dumadaan dito pero wala na akong pakialam.
"Luna!" rinig kong tawag nito sa akin.
Inangat ko ang tingin ko upang tingnan siya at nakita ko si North na nakasakay sa motor niya.
Yumuko ulit ako at hindi na siya inintindi.
"Stand up, nerd," mahinang boses na saad niya.
Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinauupuan ko at wala rin akong ganang tumayo.
Hinila niya ang kamay ko kaya napatayo ako at hinawakan sa balikat.
"Kung patuloy ka lang iiyak diyan walang pa ring mangyayari," seryosong saad nito.
Umiling naman ako at nagsimula na ulit maglakad.
Hinablot niya na naman ang kamay ko at hinila papuntang motor niya.
"Wala akong ganang makipag barahan sa 'yo ngayon, North," inis na saad ko.
"Ako rin. Sakay," tugon niya at iginiya ang ako sa motor niya
Nagtataka ko naman siyang tiningnan at tinuro niya ulit ang motor niya.
"Ihahatid kita. Hindi 'yung naglalakad ka. Mamaya maaksidente ka pa sa sobrang lutang mo," sermon niya sa akin.
Sumakay siya kaya sumunod naman ako. Ini-abot niya sa akin ang bag ko na siyang ikinagulat ko naman.
"Kinuha ko 'yan kanina sa room," paliwanang niya at pinaandar na ang motor niya na ikinagulat ko kaya napakapit ako sa buhok niya.
"Aray! Porke't wala akong helmet ngayon nananabunot ka na!?" sigaw nito.
"Ang bilis-bilis mo eh. Kesa naman mahulog ako dito," Inis na saad ko.
"Itigil mo at bababa ako!" dagdag ko pa.
Pero binilisan niya lalo at naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa kamay ko.
Hinila niya ito at ipinulupot sa bewang niya.
Nagulat naman ako kaya mabilis ko itong inagaw.
"Ayaw mo? Gusto mo bang mahulog diyan?" tanong niya.
Hindi naman ako nag patinag sa sinabi niya pero mas lalo niya lang binilisan ang takbo kaya wala akong choice kung hindi gawin ang sinabi niya.
Narinig ko ang pagtawa niya kaya napa-irap na lang ako.
Nang makarating kami sa bahay ay bumaba na agad ako.
"Nerd!" tawag ni North.
Lumingon naman ako sa kanya.
"Salamat!" saad ko.
"Nerd!" tawag niya.
Napahinto ako at lumingon ulit.
"What!?" inis na tanong ko.
"Don't cry again. You're ugly when you cry," nakangising saad nito.
Napa-irap naman ako at pumasok na sa loob.
Kahit ganun si North, gumaan din ng kunti ang nararamdaman ko.
****
"Tita," tawag ko sa atensyon ni Tita.
"Bakit pamangkin?" tanong nito at tumingin sa akin.
Nandito kami sa couch at nanonood ng palabas sa TV.
"Did you know that Zeve Clothing Company?" tanong ko at tumango naman siya.
"Yes, that's one of the famous clothing company," saad niya.
"Nag-invest tayo doon 'di ba? Kasi sabi mo kailangan nila ng tulong?" tanong niya sa akin.
Napatango naman ako.
That was part of my plan.
"Ahm tita. Can you pull out our investment there?" tanong ko sa kanya.
"Why pamangkin?" takang tanong niya.
"Ah kasi 'di ba nakabawi na sila at bumabalik na rin naman sila sa highest ratings ng clothing companies," saad ko.
"Pero malaki naman ang naibabalik nila sa atin," she stated. Umiling naman ako.
"Please, Tita?" saad ko.
"Okay," saad niya at nag-dial siya sa phone niya.
Mahaba ang naging usapan nila kaya naman naghintay ako na matapos siya.
"Okay na pamangkin," nakangiting saad ni Tita.
"Salamat po," nakangiting saad ko at umakyat na sa taas.
I'm just starting now to revenge.
****
"Miley!" tawag sa akin ni Yuri at patakbong pumunta sa akin.
"Oh anong nangyari? Bakit hinihingal ka?" tanong ko sa kanya.
Huminga naman siya ng malalim at nagsalita.
"S-Si Hara, umiiyak," saad niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"And?" tanong ko.
"Nagkaproblema raw kasi sa kompanya nila. Nag-aalala siya para sa mga magulang niya," saad niya.
Maybe this was because of our investment that has been pulled out yesterday.
Pumasok na kami sa room namin at nakita ko si Hara na umiiyak.
Nakita ko naman si Valissa na katabi niya kaya biglang uminit ang ulo ko.
Mabibilis ang hakbang kong tinungo ang upuan ko. Nagsisimula pa lang ako, Hara.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.
