"What's your problem?" asik niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Ikaw,"tipid kong tugon dito.
"Ako? Wala naman akong ginagawang mali?" nakanguso niyang saad.
"Wala ka rin namang ginagawang tama," bulong na saad ko na ikinakunot naman ng noo niya.
"What did you say?" tanong nito.
"I didn't say anthing? May narinig ka ba? Baka guni-guni mo lang 'yun," maang-maangan kong saad rito.
"Padaan na lang," dagdag kong saad dito.
I saw his lip formed into a smirk na naging dahilan upang mapa-taas ang kaliwang bahagi ng kilay ko.
"Pangit, tss!"
Parang hindi ako sinabihan ng maganda 3 days ago ah? Tsk! Mga lalaki talaga!
"Excuse me sana dahil da-daan ako. Nandun 'yung upuan ko oh," saad ko at pilit na ngiti ang pina-kawalan ko pagkatapos ay tinuro ang upuan sa tabi niya.
"Bakit hindi ka dumaan?" naka-kunot noo niyang tugon at pinag-krus pa ang mga braso niya sa dibdib niya nang hindi pa rin inaayos ang kanyang upo.
"You need to sit properly sana," malumanay na saad ko rito pero may kasama nang inis dahil sa ginagawa niya.
"There still some space," turo niya sa ilalim ng desk niya.
Bigla naman akong nanlumo sa narinig ko mula dito i-dagdag pa ang pang-aasar niya sa akin. Gusto ko siyang sigawan pero pilit ko pa rin pinipigilan ang sarili ko dahil sigurado mapapansin na naman ako ni Hara at baka tuluyan lang masira ang araw ko.
This guy is so damn annoying. Napaka-antipatiko!
"Ano? Hindi ka da-daan?" iritang tanong nito pero dahan-dahan itong umiling na lalo pang ikina-init ng ulo ko.
Napairap na lamang ako sa hangin dahil sa inis. Isiniksik ko ang sarili ko sa desk niya dahil pakiramdam ko nauubos lang ang oras ko sa kanya pero hindi man lang siya nag-abala na i-usog ang upuan niya para makaraan ako.
Nasa gitna na ako ng maramdaman kong sipain nito ang paa ko at ini-usog paatras ang upuan niya kaya naman bigla akong nawalan ng balanse.
Naramdaman kong na-untog ang pwetan ko sa arm chair niya at pabagsak na napa-upo sa hindi ko malamang bagay.
"Woah! Buti na lang na video ko 'yun. Nice!" rinig kong masayang sigaw ng isang lalaki.
"What the heck, Nerd!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Hara.
Nagtaka ako dahil hindi ako bumagsak sa sahig at rinig ko ang lalong pag-ingay ng mga kaklase namin.
"My God!"
"That's epic!"
"Hahahah!"
Ilan laman iyan sa mga naririnig ko sa paligid kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ni Hilaga.
"Wala ka na bang balak umalis d'yan?" tatawa-tawa nitong tanong.
"Ha-hah?" nagtataka kong tanong at tiningnan ang sarili ko.
What the!
Narealize ko na hindi lang kung saan na bagay ako napa-upo. Bigla naman akong umalis sa kandungan ni North at dali-daling inayos ang sarili ko.
Tumikhim ako at tiningnan si North pero hindi pa rin niya ina-alis ang nakangisi niyang mga labi sa mukha niya.
Mabilis akong tumayo at inayos ang uniporme ko. Pagkatapos ay dali-dali akong umupo sa upuan ko na namumula ang magkabilaang pisngi at tumingin sa harapan na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.
