LUNA'S POV
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong tinawagan si Tita.
Nakailang ring lang at agad naman niya itong sinagot. Umupo na ako sa sofa at ibinaba na ein ang bag ko.
"Tita! Anong oras ka po uuwi?" tanong ko dito.
"Mga 8 pm, pamangkin. Why?" tanong nito sa akin habang nasa kabilang linya.
"Oh, okay po. Ayy Tita! Wala ka ba'ng appointment bukas?" tanong ko rito.
"Bakit pamangkin?" tanong din nito sa akin.
"Ah kasi Tita may meeting po kami bukas. Pwede ka po bang um-attend?" tanong ko sa kanya.
"Of course. Bakit naman hindi. Anong oras ba 'yan?" tanong niya.
"1 pm po," tugon ko.
"No problem pamangkin. That's my free time. I will attend," saad ni Tita at napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Salamat po, Tita," saad ko.
Siya rin kasi ang uma-attend ng meeting ni Yas noon at sa 'kin noong nasa East University pa ako.
Kapag sabay naman ang meeting's namin ay 'yung secretary ni Tita ang aattend ng isa sa meeting.
"Okay, pamangkin," saad nito at pinutol na ang linya.
Hindi ko rin alam kung bakit pa kailangan mag-meeting dahil sa Foundation Day.
Sa East University kasi ay wala naman silang pa-meeting eh.
****
"Yuri!" tawag ko kay Yuri habang may nakadikit ang phone niya sa tenga niya at salubobg ang kilay.
Mukha rin siya hindi mapakali dahil sa pabalik-balik nito sa tapat ng classroom namin.
"Yuri?" untag ko ng makalapit na sa kanya ngunit hindi niya pa rin ako napapansin.
"What the heck!" napapadyak niyang saad at dali-dali pinatay ang cellphone niya.
Huminga siya ng malalim at napayuko.
Hinawakan ko siya sa balikat kaya naman muntik na siyang mapatalon dahil sa gulat.
Napamulagat siya ng makita niya ako at niyakap ako.
"Hi, Miley! Good morning!" masayang saad niya.
Parang kanina lang ay wala siya sa mood pero masaya ako kasi nawala ang kaninang naka-kunot niyang noo.
"Anong nangyari?" tukoy ko sa napansin ko kanina at tiningnan ang cp niya.
"A-Ah, I think my parents can't attend the meeting. May importante raw kasi silang inaasikaso. Well, always naman," saad niyang at napabusangot.
Tinapik ko naman ang likod niya pero ngumiti lang siya at napa kibit-balikat.
"It's okay. I'm already used to it," saad niya.
Pumasok na kami sa room at nauna niyang tinungo ang upuan niya kaya tinungo ko na rin ang upuan ko.
Wala namang masyadong naging activity dahil puro lectures lang ngayon ang pang-umagahan na na teachers dahil magkakaroon naman raw ng foundation.
Kaya naman itinatapos na nila ang dapat i-discuss.
We're also obliged to attend Foundation Day because attendance is a must.
Naghintay ako sa parking lot ng sinabi ni Tita na on the way na siya.
Sinalubong niya naman ako at niyakap.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.