Chapter 6 (Familiar face)

107 11 0
                                    

Imbis na tumayo siya ay nakita ko ang palad niyang nakalahad na parang may hinihingi.

Ano na naman ba'ng kailangan nito?

"Ba-Bakit?" takang-tanong ko.

Tiningnan ko ang mukha niya pagkatapos ay sa palad niya.

"Bilis na," asik niya pero naka-kunot pa rin ang noo ko.

Ah! Okay! Baka gusto niyang bayaran ko siya para makadaan na ako? Baka 'yun nga!

At dahil sana na-gets ko ang gusto niyang sabihin ay sinuksok ko ang palad ko sa bulsa ng palda ko at kumuha ng limang piso.

Nilagay ko ito sa nakabukas na palad niya pero nagulat ako nang bigla na lang siyang tumawa nang napakalakas na akala mo nag-joke ako sa kanya.

May saltik ata 'tong taong 'to!

"HAHAHAH!" patuloy pa ring tawa niya.

Napahawak siya sa tiyan ang abnoy at namumula na nang sobra ang mukha nito.

Ramdam kong pinag-titinginan na kami ng mga kaklase namin kaya agad akong dumiretso sa upuan ko a na-upo na lamang habang tinatakpan ng test papers na hawak ko ang mukha ko.

"North! Ano na naman ba 'yan?" iritang tanong ni Ma'am Alexis.

"It's nothing!" natatawa pa rin na tugon ni North.

Tumigil na sa pagtawa ng malakas si North pero sinilip ko ito at kita pa rin sa mukha niya ang pagpipigil niya nang tawa habang pinupunasan ang luha na namuo sa gilid ng mga mata niya, kakatawa.

Aba't nag tears of joy pa! Ibang klase! Nagbibiro ba ako?

Tiningnan niya ulit ako at kinuha sa mga kamay ko ang test papers ko.

Tiningnan ako nito at sinabing,"This is what I meant. Not this 5 peso. But anyway, thanks!" umiiling-iling at natatawang saad niya.

Ngingiti-ngiti siyang naglakad papunta sa alunahan at nilagay sa table ni Ma'am ang test papers namin.

A-Ah 'yun pala.

****

Dahil sa nangyari kanina ay hindi na ako ulit kumibo pa o tiningnan man lang si North pero patuloy niya pa rin akong ina-asar at pina-iko ikot sa desk niya 'yung binigay kong limang peso sa kanya.

Maya-maya pa ay nag ring na ang bell dahil oras na para sa breaktime.

Naunang lumabas si Hilaga kaya naman patakbo akong dumiretso sa cr dahil kanina pa ako nagti-tiis.

Parang sasabog na ang pantog ko dahil lumobo na ito. Ihing ihi na ako!

Dali-dali akong pumasok sa cr at umihi.

Nang maka-upo ako sa bowl ay napapikit ako dahil sa wakas ay nalabas ko na ang naipon ko kanina.

Kainis talaga ng Hilaga na 'yun!

"Ang galing naman talaga ng nerd na 'yun ah! Naunahan ka pa kay North, Hara! Napakapa-pansin!" iritang wika ng isang pamilyar na boses.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon