HARA'S POV
Nandito kami sa field at kababalik lang namin galing sa cr ng girls.
"Okay ka na ba?" tanong ko kay Valissa.
Tumango naman siya at tiningnan ako.
"I-Ikaw? Okay ka lang?" tanong niya sa akin kaya tumango naman ako.
"Nandito kanina si Eliz. She asked me about Yasmeen. You know that I didn't pushed her, right?" naiiyak na saad ko.
"I know!" saad niya at niyakap ako.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pinagbabayad na ba ako sa nagawa kong kasalanan?
"Just calm down, Hara," wika ni Shannia.
"H-How can I calm down?" tanong ko. Naramdaman ko naman ang paghaplos sa likod ko ni Valissa.
"Di ba? Ilang beses na kitang sinabihan na kontrolin mo ang emosyon mo? Dahil sa selos mo nagawa mo ang isang bagay na pinag-sisihan mo. 'Wag kang padalos-dalos, Hara," mahinang boses na saad ni Valissa.
I know what she's talking about. I really blamed myself for what I did.
"Valissa! 'D-Diba naging close kayo ni Yasmeen? Did you already meet her sister?" saad ko ng ma-alala ko na, Yasmeen and Valissa used to be close.
"I know her sister's name but I don't know her face. I didn't meet her," umi-iling na saad niya na ina-alala kung nagkita na ba talaga sila ng kapatid ni Yasmeen.
"Yes! I'm sure I haven't meet her sister," paninigurado niya.
"Wh-What is her name?" desperadang tanong ko sa kanya.
"I-It's L-Luna, I guess?" hindi siguradong saad niya.
"Luna? Luna Mortelle?" pag-uulit ko sa sinabi niya.
"Yes, it is!" she cheerfully answered and snapped her fingers to the air.
Luna?
Hahanapin kita, kung nasaan ka man. Kung matapang ka dapat hindi ka nagtatago. You must be fair. Be fair to me.
"She's a coward. Bakit siya nagtatago? Bakit kailangan ka pa niyang takutin? Pwede ka naman niyang saktan agad," mahabang litanya ni Kaye.
Binalingan ko siya at tiningnan ng masama.
Bigla naman siyang binatukan ni Shannia kaya napahawak ito sa ulo niya.
"Ouch! Ano ba?" mataray na tanong nito kay Shannia.
"Shut your mouth," madiing tugon ni Shannia.
Napanguso na lamang si Kaye at binalik ko na ang tingin sa field.
"The nerd is here," saad ni Kaye pero hindi ko na ito pinansin.
"She's staring at us, so weird," saad naman ni Shannia.
Alam ko na hindi si Luna titigil. I have to make move first before her.
LUNA'S POV
"Miley dito!" rinig kong tawag ni Styker. Hawak-hawak na naman niya ang camera at itinutok sa akin.
Lumapit naman ako sa kanya at inis na umupo.
"Hello strikers, this is Miley again! Looks like she's not in the mood," saad nito habang nakatutok pa rin ang camera sa akin.
I want to know who's Eliz. Whoever that Eliz is.
Binalingan ko naman si Stryker at nakita ko na ibinaba niya na ang kanyang camera at tiningnan ako ng may pag-aalala.
Binigyan niya ako ng tubig kaya kinuha ko naman ito.
"What happened? Is there something bothering you? You look so pale," alalang turan niya at hinawakan ang mukha ko.
"No. Nothing's wrong. I'm okay," saad ko at tipid na nginitian siya.
"If you have a problem, you can share it with me. I'm willing to listen," nakangiting saad nito. Tumango lamang ako at pilit binubuksan ang tumbler ni Stryker.
Bakit hindi mabukas? Tsk!
"Akin na," rinig kong sabay na wika ng dalawang boses.
Tiningnan ko naman ang dalawang kamay na nakalahad sa harapan ko at biglang nagsalubong ang mga kilay ko.
"Akin na," ulit na saad ng nasa kanan ko.
Tiningnan ko lamang ang kamay nito at iniiwas ang tumbler sa kanya.
Binigay ko ang tumbler kay Stryker at narinig ko naman ang pagsinghap ni North at pagngisi ni Styker.
Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo kanina?
"Here," nakangiting saad ni Stryker at ini-abot sa akin ang tumbler niya.
Nang kukunin ko naman ito ay bigla namang inagaw ni North at tuloy-tuloy na ininom ang laman nito.
Naka-awang ang bibig ko habang tinitingnan ang bawat pag lagok niya.
Nang maubos niya ito ay ipinakita niya sa akin ang walang laman na tumbler at binaliktad ito.
"Uhaw na uhaw ka ba?" inis na saad ko.
Tumango naman siya at tinapon ang tumbler kay Stryker.
"Hindi ka dapat umiinom sa ibang tumbler. Baka may rabbies, nakakamatay," saad nito at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang labi. Tumayo na di North at tinitigan si Styker.
Binaling ko ang tingin kay Stryker ngunit napakunit ang noo ko ng nakatitig din si Stryker na tils nilalabanan ang tingin ni North.
Parang may apoy na nagsasalpukan sa gitna ng tinginan nila kaya tumikhim ako upang kunin ang atensyon ni Stryker.
Tiningnan ako nito at ngumiti sa akin kaya gumanti rin ako ng ngiti pabalik.
"Okay lang 'yun Stryker. May dala naman ako," saad ko at tinaas ang dala kong tumbler.
Tumango naman siya at ibinaling na ang tingin sa unahan.
Naglaro na kaming volleyball at inaamin ko na hindi talaga ako mahilig maglaro nito.
Sa tuwing titirahin ng kalaban ang bola ay napapa-iwas ako dahil sa takot na baka bumagsak ito sa ulo ko.
"Ano ba naman 'yan, Nerd! Kung ayaw mong maglaro umalis ka na lang. Sinisira mo ang laban ng team natin eh," singhal sa akin ni Hara.
Nakalagay na ang dalawa niyang kamay sa balakang niya at inis na lumapit sa akin.
Dinuro-duro niya ang ulo ko habang patuloy lamang sa pagsasalita ng kung ano-ano.
Umayos naman ako ng tayo at nai-kuyom ko ang mga kamay ko.
Inangat ko ang tingin ko at masamang tinapunan ng tingin si Hara.
Napatigil naman ito at tiningnan ako ng may halong pagtataka.
You didn't pushed my sister? Tsk! I don't care.
Napuno na ng galit ang nararamdaman ko kapag nakikita ko si Hara.
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya at handa na siyang saktan nang biglang...
Biglang-
Tumama sa ulo ko ang bola. Narinig ko ang pagsigaw ng ibang kaklase ko dahil na rin sa gulat.
Nandilim ang paningin ko sa lakas ng impact nito sa ulo ko.
Namalayan ko na lamang ang pag-ikot ng paligid ko at tuluyan na akong napahiga.
W-Wrong timing...
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.
