Chapter 34 (Panggap)

69 6 0
                                    

Mabilis kong ipinark ang bisikleta ko at lakad-takbo akong papuntang classroom namin.

Nakita ko si Yuri na naka-earphones at nakatutok ang mata sa kanyang cellphone.

Pumunta ako sa likod niya at nakita kong nanonood siya ng kdrama.

Sana good mood na siya.

Pumunta ako sa harapan niya at winagayway ang kanang kamay ko sa mukha niya. Ngunit nanatili lamang siyang nakatingin sa cellphone niya.

"Sasabihin ko na sa 'yo," saad ko.

Nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang earphones niya at ngumiti ng napakalawak.

"JINJA!? JINJA!?" nakangiting sigaw niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat saka niyugyog.

Napangiti naman ako at tumango sa kanya pero hindi pa rin siya tumigil sa pagyugyog sa balikat ko.

Binuka ko ang kaliwang kamay ko sa mukha niya para tumigil na siya.

"Oh, mianhae. Masaya lang ako!" saad niya at kinurot pa anv pisngi ko.

Mukhang mapagkakatiwalaan naman si Yuri.

Lumingon-lingon ako sa paligid.

Masyadong maraming tao. Hindi ko pwedeng sabihin dito.

Hinila ko siya palabas ng room at nagtataka man ay sumunod pa rin siya.

"Where are we going?" singit niyang tanong habang hinihila ko siya.

"Somewhere private," saad ko nang hindi siya nililingon.

"Oh, okay," tugon niya.

Dinala ko siya sa garden. Pumunta kami sa isang malaking puno ng mangga at umupo sa ilalim nito.

"Okay. What do you want to say?" tanong niya.

Hinipan niya pa ang bangs niya dahil natatabingan ang kanyang mga mata.

"Uhm... I-I am Luna Mortelle. Kilala mo naman 'yung kapatid ko 'di ba? Si Yasmeen?" tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya at napatango-tango.

"She's my twin," saad ko.

"Twin? Pero hindi kayo magkamukha?" tanong nito sa akin.

Natawa na lang ako dahil alam ko na 'yun ang itatanong niya.

"We're not that twins who are look alikes. But, we are twins," tugon ko sa tanong niya.

"Oh, I se--" naputol niya ang kanyang sasabihin ng bigla na lamang may lumapag sa harap namin.

Nanlaki ang mga mata ko at napatayo dahil dito.

"S-Stryker!?" utal kong tanong sa kanya.

"What did you say earlier? Y-You're L-Luna?" utal na tanong nito habang papalapit sa akin.

Umatras naman ako dahil sa paglapit niya.

"S-Stryker," pigil ko sa kanya pero patuloy pa rin siyang nakatingin sa mukha ko habang lumalapit sa akin.

"Ikaw ba talaga si Luna?" untag nito.

Tumigil na ako kaya naabutan niya ako at hinawakan ang mga balikat ko.

Tinitigan niya ang mga mata ko na natatakpan ng salamin at umiling-iling.

"Luna's eyebrow is not thick. Are you sure you are Luna?" paninigurado nito at hindi pa rin tinatantanan ang mukha ko.

I-I didn't expect this. Akala ko ito na ang pinakasafest place na sabihin ang sekreto ko kay Yuri pero si Stryker. What is he doing here?

"Yah! Vloggerist! Umalis ka nga dito! 'Wag ka ngang makisali sa usapan ng mga babae! 'Tsaka bakit ka nandito huh?" nakapamewang na sigaw ni Yuri.

That nerd wants revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon