Nakita kong lumabas si Hara at Shannia at hindi rin naman katagalan ng bumalik ito kasama na si Kaye at Valissa.
Nagtataka ko naman silang pinagmasdan.
Bati na agad sila?
Parang wala lang nangyari kina Hara at Valissa dahil magkasama na naman ulit sila.
Bakit pinagtitiisan pa rin ni Valissa si Hara. Napakasama ng ugali niyan kabaliktaran ng ugali niya.
Baka naman binola-bola lang ni Hara si Valissa para hindi siya iwan nito. Maybe naapektuhan ang pride niya when Valissa did that.
Napa-ismid na lamang ako at napahinga ng malalim.
Pumasok naman sa loob ang P.E teacher namin at tumayo sa harapan.
"Alright! Time for your P.E class now! Proceed to the field!" sigaw ni Ma'am.
"Wear your P.E uniforms. If not, you will be absent on my attendance," She added.
Lumabas na siya ng room kaya naman sumunod na kami sa pag labas. Dumiretso ako sa locker ko at kinuha ang aking P.E uniform.
Pinag-pag ko naman ang p.e ko. Maganda ang kulay. Mayroong red sa mangas at ang P.E na salita sa likod ay naka bold na kulay pula ang letters at ang number.
"20! My birth date," masayang saad ko.
"Miley! Halika na! Sabay na tayo papuntang field!" masayang saad ni Stryker at mabilis na inakbayan ako. Nakabihis na agad siya?
"Ah-Ah Styker! Hindi pa ako nakapagbihis eh. Mauna ka na lang." saad ko sa kanya. Napanguso naman siya at tumango na lamang.
"Sunod ka ah!" sigaw niya at patakbo ng lumabas sa building.
"Parang bata!" natatawa kong saad at napa-iling na lang.
Paunahan namang pumunta sa cr ang mga girls kaya na-iwan ako mag-isa.
Tiningnan ko ulit ang p.e uniform ko at napangiti.
"You look weird," rinig kong saad ng isang boses. Nakita ko si North na papalapit na sa direksyon ko kaya bigla namang nawala ang ngiti ko.
"Shut up," tipid na tugon ko at nilagpasan na siya para magbihis na sa cr.
Pero naramdaman ko ang mga kamay niya na humawak sa braso ko.
He pinned me to the lockers and move his face towards me.
Ilang pulgada na lamang ang layo niya sa akin habang ako ay pilit na pumapalag sa hawak niya.
"Ano ba?" asik ko sa kanya pero ngumiti lang siya.
"Luna," mahina ngunit may halong lambing na bulong niya sa tenga ko.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kiliti dahil sa pagbulong niya.
What is he doing?
Bumilis ang paghinga ko at gayon din ang pagtibok ng puso ko.
Pumikit siya at dahan-dahang sinakop ang kakaunti na lamang na distansya sa amin.
I was caught off guard when I realized what he just did.
H-He kissed me.
My eyes get widen at muntik nang lumiwa mga mata ko dahil sa nangyari.
What? What the heck!
Matagal na nakadantay ang labi niya sa labi ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
May bahagi ng utak ko na nagsasabing itulak siya pero hindi ko rin alam sa sarili ko dahil mayroong bahagi rin na ayaw.
Dahan-dahan siyang lumayo at ngumisi.
"I just checked something," nakangising saad niya at lumayo na nang tuluyan.
C-Checked? Anong akala niya sa lips ko?
Gulat ko siyang tiningnan pero nakangisi lamang siya.
"What the heck? Checked?" bulalas ko at sinuntok ang tiyan niya pero parang hindi man lang siya natinag at tumawa pa.
"That was... harsh," mapanuksong saad niya at lalapit sana siya ulit sa akin pero bigla na lamang akong umiwas at lumayo sa kanya.
Harsh? Aba't?
Napapadyak na lamang ako at naglakad na palayo sa kanya.
"By the way, it's sweet!" rinig kong sigaw niya at bigla naman akong napahinto.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at ramdam ko na rin ang pamumula ng pisngi ko.
Nilingon ko siya pero nakita ko lamang siyang nag finger heart kaya mas lalo akong nainis at mabibilis na hakbang ang ginawa ko.
What the heck is sweet!? Argh! He is really getting on my nerves!
Pumasok na ako sa loob ng classroom at pabagsak akong napa-upo dahil sa inis sa sarili ko.
Why would he do that? Pinaglalaruan niya ba ako?
Bakit ko ba siya hinayaan? Dahil ba siya lang nakakaalam ng sikreto ko?
Tama! Siya lang ang nakaka-alam ng sikreto ko. Kung hindi lang siya ang nakakaalam ng totoong pagkatao ko baka pinagsasampal ko na siya.
Pero hindi pwede! Baka i-blackmail niya sa akin ang nalalaman niya.
Tumayo na ako at lumabas na ng room. Tinahak ko ang direksyon papuntang cr para magbihis.
"Mabuti naman at tapos ng magbihis ang girls," pumasok na ako sa isang cubicle.
Isusuot ko na ang t-shirt ko ng marinig ko ang mga yabag na pumasok sa cr.
"Now tell me, Hara. No one can hear us now," saad ng isang boses. Hara? So, dalawa silang pumasok.
"S-She attacked me in the parking lot. S-She said that I-I killed her sister," she stammered.
Is she pertaining to me? Pero sino ba kausap niya?
"Yasmeen? Didn't you?" sarkastikong saad nito.
"No! We both know that I didn't do that, Eliz! You're the one who pushed her," galit na bulalas ni Hara. I can feel her trembling voice.
Eliz? Who is she? Why did she pushed my sister?
Lalabas na sana ako ng pintuan ng biglang bumukas ang pinto.
"May mga tao na. Let's go," rinig kong saad ng isang babae. It was Kaye.
Tuluyan na akong lumabas pero hindi ko na sila nakita dahil may mga pumasok na grupo ng isang babae.
Sumiksik na lamang ako sa kanila upang makalabas ako.
Nang makalabas na ako ay hinanap ko sila sa corridor ngunit wala ng ibang tao dun.
Where are they? Who is that Eliz!? Tsk!
I put my hands on my hips and furiously stamped my right foot on the ground.
Mabibilis ang hakbang kong tinahak ang field at nakita ko si Hara at Kaye na nag-uusap.
Wala naman silang ibang kasama kundi si Valissa at Shannia, pero sino ba 'yung Eliz na 'yun?
My hands are trembling. I looked at Hara's group but they still look worried. I clenched my fists and griitted my teeth.
I-I am really pissed right now.
BINABASA MO ANG
That nerd wants revenge (COMPLETED)
Teen FictionEmbarking on a journey to uncover the truth behind her sister's death, Luna finds unexpected friendships amidst the challenges of adolescence, creating a poignant slice of life tale that blends friendship and the pursuit of justice.