(ang educational system ng storyang ito ay hindi pa K-12)
Warning: Language
Binugbog nanaman si Mama ng kinakasama niyang tomador, batugan, walang kwenta, at tarantadong lalake.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, iniwan ko agad ang lahat ng ginagawa naming preparasyon para sa graduation.
"Hoy! Tangina!" Malakas kong sabi dahil inaabutan kong sumusuka ng dugo si Mama sa lababo.
Punit iyong bahagi ng daster niya at may pasa nanaman siya sa binti. Ang payat payat na ni Mama at halatang walang magandang dinulot ang pag titiis namin sa lalakeng iyon.
"Wag kang maingay!" Saway niya sa akin.
Kumikirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ayaw niya kasing nakikialam ako sa mga nakakarelasyon niya. Palagi niyang sinasabi na kaya siya pumapasok sa ganoong trabaho ay para mapag aral ako.
Kahit hindi naman kailangan! Scholar ako at mag tatapos na ako ng Highschool next week! Malaking tulong iyon kasi ang sabi sa akin ng adviser namin may honor daw ako.
Iniintay ko lang makatapos para makalipat na kami ng titirhan. Wala kaming bahay na permanente, limang taon mahigit na kaming nagtitis sa putanginang lalake na ito.
"Hindi mo naman kasi kailangan ng lalake sa buhay mo e!" Naiiyak kong sabi, pinagsasabihan siya. "Kaya naman natin mabuhay nang tayo lang e!"
"Wala tayong pera, Sadie, ha."
"Ayun na nga e!" Giit ko sakanya, pinupunasan ang dumugo niyang labi. "Sixteen naman na ako, pwede na akong mag working student!"
"Saan?"
"Fastfood!"
Inis niya akong dinuro sa dibdib. "Hindi kita pinag aaral para lang maging kahera sa fastfood! Hindi ako nag papakahirap humanap ng pera para mahirapan ka---"
At mahabang gabi nanaman ang nangyari. Imbes na mapag usapan namin ang gagawin ko pagkatapos ng Highschool, nag away pa kami dahil lang sa gusto kong makatulong.
Late na natulog si Mama, alam ko naman e. Hindi na ako bata. Para magbati sila ng ugok na iyon e kailangan niyang gawin iyong mga bagay na mag asawa lang ang gumagawa.
Hiwalay ang kwarto ko sakanila kaya pwede akong umiyak dito mag damag basta hindi masyadong malakas.
Tangina. Iyon lang ang magagawa ko sa ngayon e.
Late na din akong gumising dahil hindi ko naman nilakasan ang alarm ko. Puyat akong pumunta ng gymnasium namin at tumulong sa paglalagay ng dekorasyon.
Mag isa din akong kumain ng lunch dahil ayoko makaistorbo sa kasiyahan ng iba. May mga kaibigan naman ako pero di ko kasi ugaling mang istorbo at mag share pa ng problema.
"Oh, haba ng nguso?"
"Kamusta iyong opening remarks mo?" Pangangamusta ko kay Karlos. Siya kasi ang Salutatorian ng batch kaya big deal para sakanya iyon.
Hindi nga siya makapag decide kung english o tagalog ang gagawin e.
"Yung sa iyo ba? Tapos mo na? Patingin!" Pangungulit niya sa akin.
Inirapan ko siya at tinapos ang usual na pagkain ko, siomai rice. Wala naman akong budget e! Saka na pag may trabaho na ako! Siomai rice plus one more ulam.
"Tigilan mo. Mental block ako ngayon. Wala pa akong naisusulat." Tingin ko sa malayo.
"Ikaw pa ma-memental block?! Tali-talino mo!"
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
LosoweSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...
