6- Señorita

29 1 0
                                        

Tumaas ang kilay niya sa akin bago siya umupo sa tabi ni Ate Belle. Nanghihina akong umupo at agad na tinapik tapik ni Kuya Ace ang kamay ko.

"Shall we order? I'm starving, long day at work." Ang yaman yaman na nila tapos working parin sila, sinong nagbabantay sa lamay ni Papa?

Kumakain din kami sa restaurant ni Mama pero ang pinaka mamahaling pinasok namin ay Max's. Restaurant parin naman iyon, hindi nga lang kasing mahal ng nga pagkain dito.

"Ang mahal naman ng leche flan dito, 250?! Baka mamaya isang subo ko lang ito, e!" Bulong ko habang tinitignan ang dessert menu.

Oops. Napalakas ata ang bulong ko. Nakatitig silang lahat sa akin. Nahihiya akong ngumiti at tinakpan ng menu ang mukha ko.

"What's yours?" Bulong ni Kuya Ace, siniksik pa niya ang mukha niya sa menu.

"Di ko nga mabigkas e!"

"Ah, ano diyan?" Nguso niya. "Gusto mo yung order ko nalang? Para pareho tayo---"

"Let her order for herself, she should be independent enough dahil matanda naman na siya." Malumanay pero puno ng panunukso ang boses nitong si Tita suplada.

"Isang creamy lobster alfredo po." Sabi ko doon sa waiter. Ngumiti din ako. Akala nito ni Tita suplada ay dadamihan ko ang order.

"At saka garlic shrimp skewers na rin po at regular na iced tea, thank you." Dadamihan ko talaga, gutom na ako e!

Saka ko na babayaran lahat kapag may pera na ako. Sa ngayon makikiride muna ako dito, isang gabi lang naman! Two days to go!

"Attorney Santiago, how's work?" Kaswal na tanong ni Kuya.

"Same as yours, Attorney Valbuena. Andami ding inaasikaso sa firm ngayon. Big names with big cases. Ang hihirap ihandle dahil ayaw tanggapin ng iba." Paliwanang ni Attorney Santiago, panot siya at malaki ang salamin.

"Pero mabuti at makakapag pahinga ka, Attorney Valbuena, two months ang leave mo."

Tumango si Kuya. "Yes, well, I'm working from home now simula noong lamay ni Dad."

Biglaan naman atang bumigat ang athmosphere sa hapag, pati ako nalungkot.

"Lahat kami naka leave sa work. Itong si Ace lang ang hindi, Attorney. May summer classes parin siya at si Mama, to overview the company." Sabi ni Ate Belle.

Ganito pala kapag family meeting. Kami lang kasi ni Mama ang talagang family e at minsan ang meeting hindi naman ganito ka bongga. Dinner pa sa hotel at suot ng branded na damit.

Ganito ba talaga maging mayaman? Nakakapagod naman.

"Ikaw, hija, kamusta ka naman?"

"Ha? Ah, ay, ah, okay naman po ako." Mabilis kong sagot, killer conversation. Please sana wag na magtanong ulit si Attorney.

"Saan mo ba balak mag college?"

Hotseat. Matagal ko nang pinag isipan ito, ready ako sa isasagot. "PLM po sana."

"Bakit naman doon?"

"Pwede naman ho akong makapag enroll doon, may honors naman po ako ng grade school at highschool." Imik ko. "Gusto ko po kasi sa may Intramuros, e."

Tumawa naman si Kuya Freude. "Nice choice, but that's too far." Oo nga pala, sa Mapua siya gumraduate.

Tumataas ang kilay ni Tita suplada kaya ngumiti nalang ako.

"And what course?"

"Architecture."

Totoo naman. Talagang pinag aawayan pa namin ni Mama noon kung med course or architecture. Pareho naman kasing mahirap pero tintitimbang namin iyong gagastusin sa ibang bagay.

SAUDADE: A Warrior In Every InchMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon