47- Losing Everything

13 0 0
                                    

I slowly look at his shoes, he loves white dahil malinis tignan. His pants are denim and dark, kita ko din ang branded niyang pang itaas at mamahaling relo. But what stops me from looking at his face is the bouquet he is holding.

Those are orange in color, sunkissed tulips. Balot sa isang puti na lalagyan at litaw na litaw ang kulay ng mga bulaklak. There's a card too at kahit sa distansyang isang metro ay kita ko ang mga nakasulat na CONGRATS, BABY.

Sumakit kaagad ang puso ko.

"Why are you here?"

"I want to make things okay with you, please, take me back?" Diretso niyang sabi.

Tumingin ako sa labi niya, is he telling the truth that he wants us back? What will happen to his career? Ang Daddy niya? Lalo na ang sa Mommy niya?

Tumingin ako sa mapupula niyang pisngi, is he blushing because he still loves me? Or is it just because of the heat?

Tumitig ako sa chinito niyang mga mata, sa kulay asul niyang titig. Hindi ko makakalimutan ang kulay ng mga iyon.

"I can't."

"But why?" Mahina pero puno ng lungkot na sabi niya. "And what happened to your head?"

"Accident." Simple kong sabi.

"From what?!" Titig na titig siya sa gilid ng ulo ko, doon sa may tahi.

"I was drunk and I fell, the beer bottle broke and my head was hit." Hinga ko. "Then I lost more balance, humulog ako sa pool. They had to stitch it dahil malaki ang hiwa. That was why I wore extensions on my graduation day."

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Bakit ko sasabihin? Para mag alala ka?" Tawa ko. "Para umuwi ka?"

Ramdam kong pinipigilan niyang magtaas ng boses, but he's never the type of man na sinisigawan ako. Palagi lang siyang kalmado, at alam kong gusto niya akong yakapin.

"Isang sabi mo lang na kailangan mo ako, Sadie, I will leave everything. Kakaripas ako ng uwi para sa iyo."

"And risk losing your career? You'll stop pursuing your passion just because I need you?" Turo ko sa dibdib niya. "I don't need you, Seth. Kinaya ko mag isa, kakayanin ko ulit iyon!"

"Bakit mo ba ako palaging tinataboy, huh?!" Sa bawat salita niya ay lumalabas ang dimple niya.

"Your Mom asked me to push you away! She wanted you to leave and she used me!" Sigaw ko sakanya. "At ginamit ko din ang Mom mo! Pumayag ako sa agreement, Seth. Na ang kapalit ng pag alis mo ay ang pagbibigay niya ng mabilisang donor kay Mama!"

"What agreement?" Naguguluhan niyang tanong. Parang siya itong unang maiiyak sa aming dalawa. "Please, tell me what are you talking about?!"

"I was desperate!"

"Hindi ko maintindihan, Sadie----"

"And I can't bear to hear any insult from your Mom!" Amin ko, nang gagalaiti ako. "She kept on telling me indirectly that I won't be able to achieve anything because I am depending on you! Depending on his son, Theseus fucking Ongpauco! Alam mo ba gaano kahirap patunayan sa iaang taong makitid ang pag iisip na hindi pera ang habol ko sa iyo?!"

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon