22- Crushed Promises

19 0 0
                                    


Okay na sana ako pero may tumawag sa akin sa cellphone, tumitig lang ako sa pangalan ni Vaughn.

I did not blocked him, hinayaan ko siyang makita ang stories, my day, posts, and tweets ko. Sini-seen ko lang ang texts and chats niya, he's begging na makausap ako.

Nakakatawa lang dahil bigla niyang iniwan si Eden. Na para bang walang nangyari sakanila, pero ilang beses na.

Hinubad ko ang suot na leather gloves at tinignan ang mga palad. Nandoon parin ang scar mula sa mga bubog, it won't fade. Naiinsecure din ako dahil hindi na gaanong makinis ang tuhod ko.

Pinag hahandaan ko pa naman ang ang runway sa May.

Unknown Number: Sadie please babe let me explain

Unknown Number: Harutan lang ang meron samin ni Eden, nothing serious, Sadie please

Unknown Number: Baby please

Harutan? Bakit may scandal kayo? Umaabot na pala sa ganoong level ang harutan lang?

Unknown Number: Please mag eexplain ako please, pupunta akong condo please hinaharang ako doon please

Sadie: seven p.m sa condo, get your things. dont bother to explain.

Isinuot ko ulit ang gloves ko at nag render na, I have not seen Seth since then. Palagi siyang busy, balita ko ay assigned na siya sa ibang hospital.

That's why Architect Lim acts as the owner, we all hate her. Masyadong pakelamera pati personal life, she loves commenting about everyone's work. Walang pumapasa sa taste niya.

"Excuse me lang, Architect Lim, si Engineer Ongpauco ang boss namin dito. Hindi ikaw." Pabalang na sabi ni Architect Medina. Dumungaw ako sa cubicle, there's a heated fight between the two.

"You're fired, talking back to your boss is a big and scandalous attitude." Maarteng sagot ni Lim.

Sumimangot naman ako, kahit ganoon si Architect Medina ay magaling siya mag planning.

"Hindi ka owner dito, oy, hindi mo pa nga asawa si Engineer e." At tumawa si Architect Medina.

Tumawa din ako pero agad akong yumuko sa cubicle para hindi ako ang mapag initan. Lim leaves the office and she is so in rage.

"Hi, I'm Jerick. From the engineering department." Sabi sa akin noong super payat nanlalaki na naka braces.

"Hello." Sabi ko lang at ininom na ang kape ko.

"Ikaw iyong Valbuena, right? Freude's sister?"

"Yes." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi mo na siguro maalala, ako yung kasama nila sa table noong party ni Seth. College friends kasi kami noon."

Oh, tinanong ko ba?

"Name mo?"

"Valbuena po." Sabi ko, walang gana akong tumayo at ngumiti sakanya para makaalis na. I need to be ready dahil hahakutin na lahat ni Vaughn ang nga gamit niya.

Tamad kong pinindot ang fifteenth floor sa elevator. Five pm palang naman, sana ay hindi traffic para makauwi ako kaagad. Wala din sila Esther doon para sa check up ni Mama, mabuti na rin iyon para hindi maging emotional si Mama.

Kinuha ko ang pamasahe ko, mag cocommute pa ako papuntang Makati. Malamang ay punuan ang bus. Nag cap lang ako, shirt at shorts. Wala naman akong balak na magtagal, uuwi din ako kaagad.

Huminga pa ako ng malalim, sa ilang linggong inignore ko siya, I will face him again. At malamang mag eexplain iyon.

But whatever he says, Sadie, do not ever listen to him.

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon