45- Whole Again

14 1 0
                                    

"Saan punta?"

"Presinto." Paalam ko sakanila kinabukasan. Nag ayos lang ako at hinanda ang sarili ko. Matagal kaming hindi nag usap, hindi ko alam kung ganoon pa rin ang ugali niya o mas naging masahol.

I look up at him, he's in handcuffs. Parang gulat na gulat siyang andito ako.

"Bakit andito ka?"

"Wala na si Mama." Diretso kong sabi. For a second, kita ko sakanya ang gulat pero agad din niyang itinago ang nararamdaman.

"Paanong wala?"

"Kidney failure."

"Hindi mo ba pinagamot? Mayaman kayo, diba?"

"Walang halaga ang pera kung tao na mismo ang sumuko." Madiin kong sabi. "Dumaan lang ako dito para alam mo. Libing na niya bukas."

Matagal siyang hindi kumibo, malalim ang iniisip.

"Alam kong hindi kita tatay, hindi ka naging tatay sa akin. Alam mo din kung bakit ka nakakulong kasi sinaktan mo ako pati si Mama noon." Bulong ko. "Sana magbago ka na, hindi para sa akin. Para sa mga anak mo sa probinsiya."

"Ipagdadasal ko ang Mama mo."

"Gumagana pa ba ang dasal kapag galing sa isang tulad mo?"

"Minahal ko din ang Mama mo, Sadie. Hindi lang talaga kami madalas magkaintindihan." Paliwanag niya.

I sadly smile to him. Doon siya nagkakamali, wala siyang alam sa pagmamahal.

"Hindi mo siya minahal, ever. You treated her like she's still a prostitute when all she wanted was to build a new life with you. Sinayang mo iyon, Greg."

Umalis din ako. Madaming masasamang alaala ang binaon ko dahil din sa pagiging masamang tao ni Greg. At hindi lang siya, pati ang dati kong kinakasama.

"Hello, Vaughn."

"Sadie..." Mahina niyang sabi. Hindi siya makapaniwala na bumisita ako, I guess his life slowly change inside here.

"Wala na si Mama."

"Ha? Bakit?"

"Kidney failure."

"Kamusta ka naman? Kailan ang libing niya? Shit, I'm sorry." Iling niya. Malungkot siyang tumingin sa akin, ramdam ko na ginulat din siya ng balita.

Hindi ko siya masisisi, naging malapit siya kay Mama noong nililigawan pa niya ako at palagi ko siyang binabasted. Hanggang noong maging kami ay tumira kaming lahat sa iisang lugar.

"I'm sorry, Sadie."

"Sinabi ko lang sa iyo." Lunok ko. "Nakita ko iyong anak mo kay Eden, malaking bata."

"Hindi siya dumadalaw sa akin, isang beses lang."

"Bakit?"

"Galit din siya." Iwas niya ng tingin. "Wala siyang future sa akin, alam niya iyon. Mas mabuting ganito, mabulok ako dito. Sira na buhay ko, tinapon ko lahat, e. Niloko kita, sinaktan kita. Pinabayaan ko kayo ng Mama mo, naging makasarili ako! Tama lang iyong ginawa ni Eden, sa ngayon aayusin ko sarili ko hanggang andito ako."

I feel a bit sorry for him, for what he had done to me. Dati naman ay hindi talaga siya ganiyan. Talagang sinilaw siya ng pera noong naging kami, nagpadala siya sa bisyo at pambababae.

"Sana maging mabuti kang magulang sa anak mo paglabas mo dito."

"Sadie?" Tanong niya, maluha luha siyang tumitig sa akin.

"Pinapatawad kita sa panloloko mo sa akin. Pero hindi kita mapapatawad kapag pinabayaan mo si Eden." Madiin kong sabi sakanya. "You cheated on me becauae you wanted to be with her. And now, may baby na kayo."

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon