I did not sleep for most nights after getting back from our tour. Nag cram kaming tatlo nila Ronna at Karlos, we are in rush to study three modules dahil iyon ang hahabulin.
Naging strict din ako sa oras, I manage to get up at seven to workout for an hour, shower, breakfast, then review nonstop until mag lunch time. I lessen my time with social media, my sibling doesn't bother me para makapag focus daw ako.
Sa afternoon ay may oras ako para umidlip at saka mag jojogging or swimming para makapag relax before reviewing the remaining topics. At exactly ten p.m dapat ay tulog na ako.
Walang inuman, walang gala, walang roadtrip, walang chikahan sa phone, walang kapuyatan sa chat. Wala.
I wake up one morning and Esther told me na may bisita ako. Karlos was in the couch waiting for me, may maliit siyang bag.
"Wala siya pag uwi mo, ano?" I whispered.
Umiling siya. "She left. I don't know if it's for good but she wants to pursue her career."
Tumango ako, I can feel the same agony. Just like what happened between Seth and I, we chose career over keeping each other close.
"Sadie, ngayon pa lang nag sisink in."
"Ang?"
"Ang wala na talaga siya." He sighs in disbelief. Umalis si Esther para maglinis ng mga kalat ko sa kwarto kaya mas naging comfortable si Karlos.
Kinuha ko ang kanay niya at kita ko pa doon na may pencil marks, magdamag nanaman siguro siyang nag sketch. I know him too well, he will paint or sketch if something is not right with him.
"Alam ko, you're not comfortable talking about your relationship with Rosseu but I want you to know na andito lang kami. Lalo na ako." Ngiti ko sakanya. "Besides, kung walang lovelife edi focus sa career! Balang araw, kapag successful ka na, sila na ang lalapit sa iyo at ikaw na ang mamimili."
"Is that why you're motivated to top the boards?" Tawa niya.
"I want to be successful for myself, ayaw ko muna unahin ang feelings ko. Mas magiging maayos kasi kapag sarili muna, diba?"
"Pwede ba ako mag stay dito?"
"Anytime. Pero doon ka sa kwarto ni Mama."
"Tangina mo naman, e, kitang takot ako sa multo." Banta niya.
"Di ka naman daw mumultuhin."
"Paano mo nasabi?" Humigpit ang hawak niya sa braso ko.
I give him a blank stare at ngumuso sa likuran niya. "Sabi ni Mama. Nasa likod mo----"
"Putangina mo talaga, Sadie!" Mura niya at patalong umalis sa couch para pumunta sa malayo.
Karlos stays with me and he conviced me earlier na sa couch siya matutulog at hindi sa kwarto ni Mama. Takot siya sa multo pero gusto din niyang respetuhin ang place ni Mama. Pumayag na ako, konti lang ang dala niyang gamit at mostly ay reviewers.
Everything is going back to normal kahit minsan ay nag ooverthink ako about sa life choices ko ay andiyan naman ang friends ko to guide me.
Lalo na at malapit na ang board exam! Nagpapanic na nga kami, lalo na si Ronna. Mahilig kasi mag cram iyon kaya kapag malapit na ang deadline ay doon lang siya gagawa o kikilos but it always turn out great. Sana lang ay gumana sa board exam niya!
"Bakla, kinakabahan ako."
"Wag mo nga ako tawaging bakla! Gusto mo tawagin kitang tomboy?!" Reklamo ni Karlos at inilagay ang sunny side up sa kanya kanya naming plato. Bumisita kasi si Ronna dito at kitang kita na puyat siya at medyo tumataba kaka stress eating.
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
RandomSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...
