Blockmates kami ni Karlos. Hindi ako makatili sa tuwa dahil may seating arrangement sa classroom.Okay na ito! Kahit letter A siya at ako ay V, basta magkasama kami!
Lumipat na din ako sa condo. Aaminin ko, mamimiis ko iyong kwarto ko sa Alabang. Dito kasi mas mature na tignan ang kwarto ko. At si Mama, laging may bagong niluluto, kaya araw araw niya akong binabaunan.
So far, ang isang linggo kong experience sa UST ay isang malaking culture shock.
Doon lang ako nakaexperience mag aral sa malaking school. Kada building na dinadaanan namin ni Karlos talagang nag pipicture kami!
"Dun sa arko!"
"Wag diyan! Baka ma jinx at hindi tayo agad maka graduate! Limang taon din ito, girl!" Saway niya sa akin.
Kaya imbes na mag picture sa arko, dinasalan namin ito. Sana, sana, sana kayanin ko hanggang sa huling taon.
Forty kami sa isang klase kaya sa minalas malas nga naman ay sa hulihan pa ako napwesto. Palaging ganoon sa isang subject. Pero kapag iyong second subject na, shempre lilipat na ako sa unahan.
First week palang pero busy na agad, pinipiga ko na rin utak ko para makapag pasa ng plates dahil everyday ang homework.
Si Kuya Lourde ang gumastos ng tuition ko ngayong first semester. Almost sixty thousand ang tuition ko dahil full load.
May usapan kasi na kada semester ay isa sa mga kapatid ko ang sasalo. Sakto namang after two years ay tig iisang sem ang gagastusan nila. Pagkatapos noon, ako na ang magpapaaral sa sarili ko gamit ang iniwang pera ni Papa.
Gustuhin ko mang kumuha ng scholarship ngayon, wag daw muna. May pambayad naman at iyon ang gusto ni Papa. Na tulungan ako sa gastuhin.
Si Karlos, may scholarship. Si Lauren nasa UP na, political science ang kurso. Si Ronna, engineering sa Mapua. Si Eden, tourism sa Lyceum at si Von ay sa Letran. Silang tatlo ang magkakasama doon.
Kung papalarin, mas mauunang gumraduate sila Lauren, Eden at Von. Kami naman nila Ronna at Karlos ang magkakasabay dahil limang taon.
Nagmamadali kami ni Karlos kumain dahil mukhang uulan. Tanginang bagyo kasi ito, baka mamaya bumaha dito pahirapan nanaman makauwi.
"Girl, dali!" At hinawakan na niya ako para sumilong sa payong niyang blue.
Bad idea talaga na kumain sa malayo! Hassle, kulang nalang mag karoon ng marathon dito sa dami ng nag uunahan makasilong.
"Ang lamig!" Reklamo ko pagpasok ng room. Ang lamig lamig naman kasi! December na at talagang namumuro na iyang bagyo.
"Sabay ka na sa akin pauwi, daan na kita sa dorm mo." Offer ko kay Karlos na halos hubarin na ang suot na uniform dahil basa.
Malapit lang naman sa UST ang dorm niya. Sakto dahil susunduin ako ni Kuya Roman. Hindi pa totally pinapahawak sa akin ang kotse ko dahil sa January pa ang birthday ko at doon palang ako kukuha ng lisensya.
"Salamat, Sadie!" Halik ni Karlos sa pisngi ko bago pakembot na bumaba sa boys dormitory.
Ang lakas pa din ng ulan. Grabe. Pinagalitan pa ako ni Mama dahil nagpaulan ako.
Agad na din akong naligo para mawala ang bigat ng nararamdaman ko. Sakitin pa naman ako at hindi na gaanong nakaka pag swimming. Tuwing weekends nalang kapag umuuwi ako sa Alabang.
"May inabot na sulat dito, tignan mo at baka importante iyan."
Abot ni Mama sa akin ng envelope. May designs pa at parang seal. Kumunot naman ang noo ko, hindi naman ganito ang bill ng meralco o kaya ng tubig, imposibleng love letter dahil single ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/177114593-288-k450169.jpg)
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
AléatoireSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...