38- Cheers, My Love

16 0 0
                                    


I spend my christmas alone with Mama, bagong opera siya. The day na malaman naming may donor ay agad kaming kumunsulta sa doktor. So within the week ay inayos ang kalagayan ni Mama, binantayan, and she proceeded to the operation.

Antagal namin doon ni Esther sa room niya, it felt like forever. Malungkot din ako dahil wala si Seth.

Mama came back and it was successful, doon na ako talaga nagpasalamat. At least, everything's going smoothly now. Sana lang ay maayos din si Seth.

"Ma, ano gusto mo kainin?"

"Wag masyadong matamis." Ngiti niya, inuwi na namin siya dito sa unit ko at pagpapahingahin ng isang buwan.

It's good go have them back, kahit wala si Seth ay kasama ko sila ni Esther dito. We also set up the christmas decorations, ko ting salu-salo since kami lang ni Mama ay umuwi si Esther sakanila.

Nang mag ring ang messenger ko ay dinalian ko ang pagpunta sa kwarto. Seth's calling!

"Hello?!"

"Galit?" Tawa niya. Bagong gupit siya at litaw na litaw ang kulay ng mga mata niya. It's snowing! Ang ganda ganda, sana makapunta din ako diyan after graduation.

"Happy christmas, Sadie."

"Sino ka ha, si Harry Potter?" Asar ko sakanya at humiga ako sa kama. I miss him so much, isang linggo na din siya doon.

"Want me to do the accent?" Bumabagsak ang snow doon at ang kapal ng suot niya. Bagay na bagay siya sa ganoong lugar, it fits him perfectly.

"Happy christmas din, Seth. Please, bilisan sana ng panahon para makauwi ka na sa birthday ko."

"Opo. Uuwi po, pero surprise kung kailan." Ngiti niya. Pinakita niya sa akin ang buong lugar at naiinggit ako. Sana makapunta din ako diyan!

"I love you, mag ingat ka palagi diyan, okay."

"Okay!" Kaway ko. "Lalo ka na, wag kang mag pupuyat diyan, I love you more!"

Ganoon ang nangyari sa amin, we spend every little thing together even if we are apart. Mula first monthsary, first christmas and eventually, our first new year na kami as a couple.

"Andaming fireworks!" Palakpak ko, Mama's beside me at nakadungaw kami dito sa balcony. Naka wheelchair parin siya but she's getting better.

"Maganda, ano?"

"Next year, saang bansa tayo pupunta? I have my savings, may trabaho na ako noon. I'm so excited." Bulong ko, I really want to take Mama and see other countries!

"Happy New Year!" Sabi ko sa videocall naming magkakapid.

"Kuya, kamusta ang baby?" Tanong namin kay Kuya Lourde na first time maging Daddy at kinakabahan parin.

"Caroline's gaining weight. I'm not sure about her cravings, normal bang palaging galit?" Inosente niyang sabi at umakbay sa asawa.

Kuya Freude laughs hard at rinig na rinig namin iyon. "Sundan mo na rin kaagad para madami silang mag pipinsan!"

"Pustahan, next year may anak nanaman iyang si Kuya." Asar ni Kuya Ace at nagmurahan pa sila sa videocall pero parehong nagbibiruan.

"Tarantado, that's obvious."

"Freude!" Sigaw sakanya ni Ate Sophia, narinig niyang gusto nanamang umisa pa ng anak ni Kuya!

"Ate Belle, kamusta, where are you?" Ngiti ko kay Ate, tahimik lang siya at tumatawa sa mga kagaguhan ng mga kapatid naming lakaki.

"Inabutan ako ng New Year dito Italy."

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon