37- Drifting Apart

17 0 0
                                    


"You should go, Sadie." Boses nila Lauren iyon nang magpaalam ako.

Kumapit ako sa gilid at sinuka ang alak. I feel so wasted, hindi ko na nga makilala si Seth nang sunduin niya ako.

Mabuti at hindi ako sumuka sa kotse. I bend over at the sink to push it all out. Hindi ko alam kung saan ako napuruhan, sa beer o cocktail.

I just knew that Seth came up kahit mag uumaga na at inuwi ako sa condo. And I woke up in my bed, untouched. Malinis ang mukha ko at para din akong bagong ligo.

"Goodmorning."

"Seth." Bati ko sakanya at yumakap, he's groaning at halata ang puyat sakanya habang hinahanda ang lunch namin.

Tuesday ngayon at may pasok pa siya mamaya, he needs to rest! And it's almost two in the afternoon!

"Did you sleep?"

"Medyo. Pero inuna muna kitang paliguan, you smelled so bad ano ba ang ininom ninyo?" Taka niya, hindi naman siya galit. Worried pa nga ang expression niya.

"Napadami lang."

"That's not you, Sadie." Mahina niyang sabi at umiwas ng tingin habang yakap ko parin siya. "Hindi ka naman mag lalasing ng ganoon. I know you, hindi ka malalasing dahil lang doon sa party na iyon. What's wrong?"

"You need to go. Sa London, you need to be with your family."

"What if ayaw ko? Pipilitin mo parin ako?"

Bumitaw ako sakanya para mag ayos ng kakainan namin. Ayaw niya talaga, alam kong masama itong iniisip ko pero if he goes to his family in London ay win-win ang situation namin.

I'll have Mama's kidney donor and Seth's gonna see his family again. Magandang plano naman iyon, hindi ba?

"Because you should go, may sakit ang Daddy mo---"

"Bakit mo ba ako pinipilit?"

"Kasi Dad mo iyon!" Inis kong sabi. Hindi naman na siya sumagot at hinayaan akong magdabog. Ang ayoko sa lahat kapag after ng inuman ay ang hangover na ganito, lahat ay nakakairita.

"Imagine this, baligtarin natin ang sitwasyon ha, Seth." Hindi ko na matiis. "Kung si Mama ang nasa London, pupunta ako. Mama ko iyon, e! And I will understand you kapag umalis ka. Bakit ba kasi ayaw mo?!"

Seth looks at me, ngayon ko lang siya nakitaan ng ganitong expression. He's going to cry any moment, pinipigilan niya lang.

"Dad took everything away from me." Bulong niya. He puts down his fork at hindi na ginalaw ang kinakain. I feel bad about knowing it.

"Dad left us when we were young, Clementine was just a baby when he left!" Sigaw niya. "He was this young engineer who wants to travel the world and he met my mother pero pagtapos ng tatlong anak ay umayaw din siya. Think about it, Sadie! Kaya ayaw kong pag usapan dahil malalim ang pinag ugatan!"

Tinakpan ko ang bibig ko when he starts crying, he pinches the bridge of his nose and takes off his glasses.

"Dad was hard to me ever since I was a kid, sa akin siya ganoon dahil sinuway ko siya at an early age. I did not want engineering! Hell, napilitan lang ako kunin ang course na iyon! Dad wants me to take it because Kuya Fred is in law school at suportado niya si Kuya. Bakit sa akin, ganoon siya? Bakit? Wala ba akong karapatan pumili!"

"Calm down!" Hawak ko sa braso niya.

"He told us before that someone should be the owner of our company, ako ang pinipilit niya." Tumingin siya sa akin. "My college life was hell, Sadie. I wake up every fucking day for five years thinking if that course was for me. Hindi ako masaya, alam ni Freude iyan pero pinilit ko. Pinilit ko! I graduated with latin honors!"

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon