12- Alapaap

19 1 0
                                    

 

"Oh, putangina!" Mura ko dahil pag ahon ko mula sa pool ay nakaupo sa sun lounger si Kuya Lourde. Bihis na bihis siya at mukhang may lakad, may dala din siyang bag na mukhang mga papeles ang laman.

"I'm off to work."

"Work? 5 p.m na, Kuya?" Taka ko at umahon sa pool. Pinunasan ko ang buhok gamit ang towel na binigay ni Esther.

"Duty calls. Client needs me."

Client nga ba? Hmm. Pinabayaan ko na. Tumango nalang ako bilang pamamaalam. For sure hindi uuwi iyan, trabaho e.

"Oh, you can get your allowance. It's a gift. I added ten thousand to it." Sabi niya at binitbit ang bag niya. Sumipol siya at lumitaw si Kenneth na may dalang bola sa bibig.

"Gift, para saan?" Kinuha ko ang bola at hinagis sa malayo.

"You passed all your entrance examinations."

Oo nga pala, matapos ang madugong paglipat lipat ng university para makapag exam at inquire, I nailed them all! Medyo proud ako sa sarili ko.

"Mag mall lang ako, Kuya." Paalam ko kay Kuya Freude. Subsob kasi siya sa gawain kanina pa.

Hindi ko siya masisisi, Head Engineer na siya at namamalakad ng construction namin. At the age of twenty three, he's already reaching his goal in life.

"Make sure Roman comes with you."

"Opo, boss." Tango ko. Simpleng short at cropped shirt lang ang suot ko sabay puting rubber shoes. Dala ko din ang allowance na iniwan ni Kuya Lourde. Pero five thousand lang ang dinala ko. Twenty kasi ang binigay niya.

"Kuya Roman, let's go there."

Isang buwan na ako sa mga Valbuena. Sadly, unti unti kong na-aadapt ang pananalita nila, palagi na akong napapa ingles!

Hindi naman kasi nila ako kinakausap sa tagalog. At kahit maids ganoon din sa akin. Bilin daw kasi iyon ni Sir Theo. Ni Papa.

"Thank you." Sabi ko kay Kuya Roman. He's already holding five branded items, damit kasi ang inuuna kong bilhin bago sapatos. Mas okay na may pag babasehan sa sapatos.

"Which is better, ito or ito?" Tanong ko sa bodyguard dahil siya ang nakaupo doon sa couch at katabi ang mga pinamili ko.

"Iyan, Miss. Mas magmumukha kang matangkad." Suggestion niya at tinuro ang heeled boots na low cut. Pwede na rin.

Anim na paperbags ang dala namin, hinati ko iyon sa tatlo at inaya ko kumain si Kuya Roman sa Burger King. Wala naman kasi ako masyadong alam sa ibang restaurant dito.

"Miss, may iba ka pang pupuntahan?"

"Wala na, Kuya Roman." Ngiti ko. Bumili din ako nung kape na palaging iniinom ni Kuya Ace. Binigyan ko ng isa si Kuya Roman.

At shempre, dahil may pera naman ako sa banko ay bumili na ako ng cellphone. Hindi nga lang tulad ng sa mga kapatid ko. Iyong tig seven thousand lang kasama na charger at tempered glass. Ayoko maging maluho.

Busy ako sa pag lilipat ng contacts sa bagong cellphone nang biglang pumreno si Kuya Roman.

"May mga bisita, Miss." Puna niya, andaming kotse sa labas. Nasa lima. Wala naman ako maalala kung may binanggit sila kanina.

8 p.m na rin kasi kaya nagtataka ako na pag pasok namin ni Kuya Roman ay maingay sa pool side. May neon lights din at malakas ang music.

"Mga kaibigan mo ata, Miss."

Imposible naman ata iyon, si Karlos lang ang solid kong kaibigan. Pero habang papalapit ako ay napagtanto ko ang malakas na music ng Eraserheads at si Karlos na may hawak na bote ng alak.

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon