"I talk to hundreds of people in a week pero none of that compares to the smile you give me everyday."Ngumuso ako, I'm talking to Seth over the phone. Busy ako sa school kanina, tulog siya dahil galing duty. Then noong nag duty naman siya, ako naman ang tulog dahil gabi.
But we make most of our time, konting sacrifices lang naman for our future as an individual or maybe, a couple. Maybe.
"Inaantok na ako, hay!" Sabi ko sakanya. "Agahan mo uwi, ha. Matutulog na ako."
"Okay po, Architect. Tulog na po kayo." Asar niya sa akin.
I also try learning the guitar dahil tinuruan ako ni Seth but siguro nga we can't have it all. Pangit na nga ang boses ko, puro pa mali ang chords ko.
Hanging out with Ronna today is dreadful, dinayo ko pa siya dito sa Intramuros dahil mukhang broken siya. I think she and Russle didn't work out or complicated.
"Alam mo ba puyat na puyat na ako sa letseng thesis!" Paiyak na niyang sabi.
"Oh, do you need help?" I reach out to her, she's really struggling lalo na't engineering siya!
Busy na talaga kami nila Karlos now, balita ko nga ay sa umaga na siya palaging tulog. Kawawa naman nag bestfriends ko!
"Buti pa si Lauren!" Pinaypayan niya ang mga luha niya. "Graduate na, may work na, may Alastaire Valbuena pa! Wala na bang single sa mga kapatid mo?!"
"Kasal na iyong panganay, may anak na ang isa, taken na ang bunso. Wala na!" Tawa ko, she really likes Kuya Lourde, crush na crush niya!
After meeting with Ronna, dumiretso na rin ako ng uwi. Grabe, I have stuff to do and revise so I should do everything now para tulog ako mamaya.
My adviser and professors are rooting for me, I can't let them down. Lalo na ang family ko, it's my last year and all I want is to graduate so I can finally start a new chapter in my life.
I lay on the couch, ang sakit ng mga mata ko kakatingin sa laptop. Everytime na kailangan kong magpahinga, I always tell to myself na magpasalamat.
Paano kung hindi ako iniwanan ng pera ni Papa? Mangangapa kami ni Mama para sa pang tuition at materials ko. Lahat talaga may reason and I need to be grateful dahil maayos ang pag aaral ko ngayon.
"Hey, nag dinner ka na ba?"
Tumingin ako sa oras, 4:30 a.m, nakatulog ako sa couch sa kakaisip. I forgot to eat my dinner, Seth kisses my forehead bilang pagbati at hinubad ang uniform niya.
"Go back to sleep, Sadie."
"Tabi tayo?" Request ko, my eyes closing again. Inaantok ako and he sighs as he snuggles behind me. Yakap niya ako at itinuloy k pang pagtulog. The couch is better when I'm sleeping with him.
I wake up in the morning extra early dahil bibisita ako kay Mama. Kailangan ko din magdeposit ng pera at swelduhan si Esther.
"Ma, andito sila Karlos at Ronna. Bibisita daw."
Ngumiti lang si Mama, her condition worsen for this week. May oxygen mask din siya at hirap nanaman gumalaw. She can't move her lower body dahil sa pamamanhid.
Kailangan na talagang makahanap ng kidney donor. Nakaka drain kasi ang dialysis, masakit daw at napapagod siya kada session.
Karlos and Ronna will be here in a moment. May dala daw silang food and drinks para naman sumaya si Mama.
"Ganda parin ni Tita ah, tumaba lang."
"Manas si Mama, gago." Mura ko sakanya at kumain na ng spaghetti. Jollibee never fails to satisfy my cravings!
![](https://img.wattpad.com/cover/177114593-288-k450169.jpg)
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
De TodoSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...