58- Jet Plane

16 0 0
                                    

Mabilis naming hinabol ang natitirang oras, we spend the night in their house and surprisingly ay talagang mabait ang father niya. Tanggap din agad ng mga kapatid niya na kami na ulit. I guess, his mother is the only one na alanganin.

Sumakay din kami sa London Eye, it is my last night here at pabalik na akong Germany para sumabay sa siblings ko pauwi ng Pinas.

"Remember Skyranch?"

"Palagi ko namang iniisip iyon." Sandal ko sakanya, weird dahil ngayon ay hindi ako takot. Hindi ako nanginginig kahit nasa tuktok na kami.

"Whatever happens, we will keep on holding on. Promise me that, Sadie."

"I promise."

"Kahit malayo, kakayanin."

"Kakayanin." Agree ko.

Mabilis akong nakatulog dahil yakap niya ako, ayaw ko pa sanang umalis pero kailangan. Hinagkan ko siya, kahit konting sandali ay gusto kong sulitin ang pagkakataon na hagkan siya.

"Do well in your work, always eat on time and sleep on time. Don't forget to take your medicine and exercise for some days." Paalala niya.

"Yes, Doc." Ngiti ko sakanya. His dimple shows when he smirks back to me.

"Sa susunod na magkita tayo, doktor na ako."

"I will patiently wait, Theseus."

"I love you, Saudade."

Umiyak na ako sa harap niya, hindi ko kinaya na sa pagkakataong ito ay magkakahiwalay muli kami.

Humawak siya sa magkabilang pisngi ko and I can see his soft features tearing up too, he's shedding tears.

So kiss me and smile for me

Tell me that you'll wait for me

Hold me like you'll never let me go

'Cause I'm leavin' on a jet plane

Don't know when I'll be back again

Oh babe, I hate to go

"A small sacrifice for our dreams, Sadie." Ngiti niya matapos akong kantahan. "We'll make it through, just keep holding on to me even if we are countries away."

I tiptoe to kiss him on the lips. Kahit na madaming tao ay hindi ko na sila inisip. I am kissing the man I gave my heart to, my future, my everything. And as he hold my waist and deepens our kiss, alam kong siya na talaga.

Siya lang talaga, kahit malayo, siya pa rin.

Pagbalik sa Germany ay hindi maipinta ang saya ko, Ronna bombards me with lots of questions. Napapangiti na lang ako dahil supportive sila. Kahit si Karlos ay masaya para sa akin, sadyang naging protective lang siya dahil nakita niya akong masaktan noong magkahiwalay kami.

"Alam niyo, mahal na mahal ko kayong tatlo!" Naiiyak na sabi ni Ronna, biglaan kaya naman ay tumawa kami. She is getting emotional while talking about our adult life.

"Buntis ka lang kaya ka sensitive."

"Tanga, sensitive naman talaga ako!"

"Buntis, buntis."

"Bakla, bakla!" Asar pabalik ni Ronna at humgulgol na.

"Oh, baka ma-stress ang buntis." Gatong pa ni Lauren at tinapik tapik ang likuran niya.

"Wala akong pinagsisihan sa tropahan nating apat, tandaan niyo yan! The best kayo!" Patuloy niyang sabi kahit palipad na ang private plane na si Ate Belle muli ang piloto. "Lahat kayo ninang!"

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon