Sobrang aga ng gising ko. Six a.m palang at tulala na ako sa kisame, ngayon ang huling lamay ni Papa at burol niya rin mamaya.Hindi ko na din alam kung ano ang gagawin, para akong na culture shock. Hindi ako sanay sa ganitong gawain, sa ganitong mga gamit.
Uuwi naman ako bukas, sako ko kakausapin si Mama tungkol sa mga nakalagay sa last will.
"Pakiramdam ko tuloy pinapamigay ako." Bulong ko sa sarili at tamad na tamad na bumagon para maghilamos.
Ang daming mamahaling gamit dito na para bang hindi naman bagay sa akin. Hindi naman kasi ako lumaking maluho.
"Miss, anong gusto mong breakfast?" Sulpot ni Esther na may dalang mop. Maglilinis ata.
Sumandal ako sa pintuan at pinakiramdaman kung may tao sa third floor bukod sa amin, wala naman.
"Ako nalang ako bababa, mamaya, marunong naman ako magluto." Inaantok kong sabi.
Bumalik ako sa kwarto para magpalit ng damit, natulog kasi akong naka jumpsuit. Heels lang ang tinanggal ko at make up bago matulog.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko, tahimik pa ang mansiyon kaya dumiretso na akong kusina.
Pero pagdaan ko sa cctv ay nag peace sign pa ako. Baka kasi isiping nag nanakaw ako ng pagkain.
Ang daming laman ng ref, dalawang ref kasi iyon tapos isang malaking chest freezer. Sinilip ko ang freezer at ang daming frozen goods! Para akong nasa grocery!
"What are you doing?"
"Palaka!" Sigaw ko.
"Saan?!" Mabilis na tumabi sa akin si Kuya Ace, ang lakas ng haltak niya sa akin! Duwag!
"Bakit ka ba nang gugulat kasi?"
Yumuko ako sa may freezer para abutin ang bacon. May hotdog din doon at mga karne.
"Gugutom ako."
"Ano gusto mong almusal?" Tanong ko at tinignan ang mamahaling mga gamit sa kusina.
Apat na stove, isang malaking oven, dalawang bread toaster, may isang side na puro pang baking at ang kabila at malaking sink.
"Bacon and eggs, hotdog and ham. The usual, sila Manang kasi ang nag pe-prepare pero mas maaga akong gumising ngayon."
Umiling ako, naka boxers puting sando lang kasi si Kuya at magulo pa ang buhok, halatang nghalamos lang e.
"Hindi ka marunong nag luto, ano?" Hula ko dahil di naman siya totally tumutulong, nakikiusyoso lang siya habang hinahanda ko ang kawali.
Nag kibit balikat siya habang tinitignan akong ihalo ang itlog oara maging scrambled egg.
"I'm very good in mathematics but cooking isn't for me." Sabi niya at saka umupo na ulit.
"Maghugas ng plato marunong ka?" Tanong ko.
"Medyo."
"Hay naku, Kuya. Hindi ba kayo tinuruan ng gawaing bahay?" Pang aasar lang sana iyong sinasabi ko pero mukhang dinamdam niya.
He looks sad. "Hindi, wala naman kasi sila Mom at Dad noong lumalaki kaming apat. Laging nasa trabaho."
"Ah...ganoon...sinong naiiwan sainyo dati?"
"Si Manang. And a bunch of maids, drivers..." Sabi niya at hinalo ang kape niya.
Maswerte parin pala ako, lumaki akong kasama si Mama sa lahat ng bagay. Tinuruan din niya ako sa lahat para daw kapag mawawala siya ay may alam ako.
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
RandomSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...