5- Last Will

26 1 0
                                        

Alabang Hillsborough.

Hindi ko alam na may ganito kayamang pamilya na nag eexist. Hindi ko parin makita na kamag anak ko sila.

Sukbit ko ang backpack ko at may maid na dumalo kaagad sa amin. Kukunin sana ang bag ko pero humindi ako, kaya ko naman e.

Pagpasok palang namin sa gate nila, dalawa na agad ang guard. Parehong tumango kay Kuya, tinitignan ko ang paligid at anak ng tipaklong ulupong, iyong garahe nila hindi lang kotse ang nandoon.

May motor na Ducati, may isang kotse na lowered at halatang sportscar. Ang isa naman ay lumang kotseng kuba na alam kong may kamahalan din.

Itinabi ni Kuya ang sasakyan niya sa motor at ayun nga pagkababang pagka baba ko ay may lumapit na maid.

"Kaya ko naman po." Magalang kong sabi dahil medyo may katandaan iyong kasambahay.

"Kay Ate Belle iyong motor. Kay Kuya Lourde iyang sportscar. At kay Ace iyong beetle convertible, kahit sino pwedeng gumamit."

Walang hiya. Ang mamahal ng mga iyan, mas mahal pa ata sa buhay ko!

"You like the convertible?" Turo niya sa may kotseng kuba. Umiling ako, bike lang ang kaya kong sakyan!

Nag park din si Kuya Ace at pinatunog ang alarm ng Everest niya. Bitbit niya ang iilang gamit ko, gustuhin ko mang kunin e ayaw niya ibigay.

Nanliliit pa ako habang naglalakad silang dalawa. Sa tangkad kong 5'8, para akong unano dito.

"May pool tapos walang naliligo?" Komento ko. Para kaming dumaan sa swimming pool ng pang Olympics ha?

Ang tahimik doon at may mga sun loungers, may mga lamesa at payong na malalaki pero nay hardinero lang na nag lilinis.

Ang lungkot naman dito.

"Pakidala ito sa kwarto niya, Manang."

"Sige, Sir." Tango ni Manang, siya iyong matanda kanina. Tinulungan ko na tuloy siya sa mga gamit ko.

Sa kabilang dulo pa pala ang bahay, este mansyon! Sumilip pa ako sa living room nila at ang lalaki ng sofa! May mga carpet pa at puta, may chandelier?!

May piano pa doon at andaming abubot. Pati railing ng hagdanan halatang mamahalin! Tapos hindi basta bastang tiles, parang wooden style pa nga e!

"Sa third floor ang kwarto mo."

"Ang layo naman po."

Second floor pa lang at tanaw ko dito ang pool, puro glass windows kasi at ang haba ng hallway! Ano ba ito, hotel?

"Doon ang kwarto ni Sir Ace at Sir Freude." Turo niya sa dulo. Para kasing dadaanan pa sa skybridge at pag dumungaw ka sa ibaba ay kitang kita mo ang living room.

"Dito sa side na ito ang kay Miss Belle at Sir Lourde."

Diyos ko, ang laki naman ng lote ng mansiyong ito.

"Pero palaging wala si Miss Belle at may lipad."

Lipad?

"Piloto kasi siya. Kaya minsan tatlong araw hindi uuwi, alam mo na, kapitan e." Paliwanag ni Manang.

Seryoso? Iyong suplado niyang iyon piloto pala siya? Gago, ang laki ng sweldo nun! At ang mahal ng pang tuition non!

Pumanhik na kami ng isa pang palapag, nakakapagod naman oh. Sa bahay ni Greg konting tumbling ko lang banyo na tapos kusina. Pucha, dito parang mangangain ng tanga e.

"Ito ang kwarto mo." Binuksan niya ang pintuan. Lumuwa agad ang mga mata ko, ang laki ng kama!

At hindi lang kama, may comforter din at ang laki ng aparador! Closet ba tawag diyan pag mayaman? Purple ang kukay ng comforter at ang kapal ng kurtina ha. Ang lamig lamig din kasi may aircon!

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon