Dumungaw ako sa bintana para lumanghap ng sariwang hangin. España na talaga ito, hindi lang España sa Pinas!"Fucking hell, ang ganda." Mura ni Karlos. Sabay kaming tumingin sa mataas na structure ng Sagrada Familia. Sa ganda nito, hindi na kami maka usad ni Karlos.
Dream come true para sa mga tulad naming aspiring architects na makita ang Spain, dahil ang España ang may pinaka magandang architectural building sa buong mundo. At dito sa Spain maganda mag aral ng architecture.
"Feel ko tuloy ako si Kathryn Bernardo! Iyong movie nila, dito iyon, diba? " Tawa ni Ronna at nagpapicture kami doon. Umiling naman si Karlos.
"Sinama niyo ata ako para maging photographer niyo e!"
"Sus, eto naman! Gwapo gwapo, init ulo!"
"Tigilan mo, Rondetta Lorono, ha. Nangarap ka pang maging si Kathryn Bernardo." Asar niya kay Ronna.
"Hoy, bakit full name?! Karlos David, ha! Ansanto, pota!"
"Nag asaran pa, pareho namang mabaho mga pangalan." Sapaw ni Lauren at agad na tumuon sakanya ang atensyon ng dalawa.
"Ay!!! Si Laurena, oh! Titang tita ang pangalan!"
"Labas ako diyan, maganda pangalan ko." Ngiti ko, I snap pictures from my camera. After this trip talaga ay gagawa ako ng vlog ko!
Mag papahinga muna kami at medyo mahaba ang byahe, hindi naman ito Pilipinas na kapag sumakay ng bus mula Tagaytay ay aabot hanggang Lawton.
May ancestral house dito si Papa kaya naman pinayagan ako ni Tita na dito kami tumuloy para less hassle at wala ng babayaran sa booking.
"Wow, akala ko ba ancestral house? Mansion ata ito?" Tanong ni Karlos at binaba ang ibang gamit namin. A maid greets us and she's clearly spanish, ang ganda niya!
"Are you Señorita Saudade?"
"Yes, I am po. Hello! Buenas dias!" Ngiti ko, madaming househelp dito at masyadong inalagaan ang lugar. Hindi ko alam na dito talaga nakatira ang grandparents ko sa father side.
Tinignan ko ang mga painting doon, may mga portrait sila Kuya at Ate. Kahit si Papa ay mayroon din, ganiyan pala talaga ang itsura niya. Ang gwapo! Pure blooded spanish si Papa samantalang si Tita Celestina ay purong pilipino.
"Your abuela, Señora Araceli Fabiola. She died at age eighty five, she was an architect, activist and actress. And this was your grand papa, Señor Elizar Valbuena. Your grandfather was a soldier, he served in the army too and later became an engineer also."
Tumingala ako sa naglalakihang mga paintings, siguro kay Lola Araceli ko kinuha ang hilig sa architecture. Pero ang pag aartista, nevermind.
Inikot din kami ni Eulayla sa buong bahay, iyong kaninang kausap namin. Bukod sa magandang driveway na paikot ay may garden din ito sa likuran. Puro antique na din ang ibang gamit sa loob at parang binalik ako sa panahon ng mga espanyol, hindi ako makapaniwala na anak ako ni Papa.
"Where are my grandparents now?"
"They both died because of old age, it was a painless and quick death. They want to preserve this house and turn it into a museum or simply a rest house for their grandchildren."
Umupo ako sa living room at tinignan ang iilang photo album doon. Dito ko lang makikita ang old photos ni Papa, ngayon lang.
"Kamukhang kamukha niya ang Kuya mo." Comment ni Lauren, pareho kaming nakatitig sa litrato ni Papa.
Kuhang kuha nga ni Kuya Lourde ang buong features ni Papa! Lalo na't hindi rin pala palangiti ang ama ko kapag picture taking. Pero kita din naman ang kapilyuhan kapag ngumingiti, hawig niya si Kuya Freude.
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
RandomSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...