11- Encounters

17 0 0
                                        

Kumatok si Kuya Ace sa kwarto ko, kakatapos ko lang mag almusal at mag shower ulit dahil sa daily jog ko.

"Hey, it's your time for driving lessons."

At ayun na nga, halos tumili ako dahil napasobra ang tapak ko sa gas kaya bumilis, mabuti na lang at iniwas kaagad ni Kuya ang manibela kundi hagip ang Ducati ni Ate.

"Dahan dahan lang, wag mo biglain ang tapak. Alalay sa break, Sadie." Ulit niya sa akin.

Sobrang bagal ng takbo namin habang inilalabas ng garahe ang kotse. Hanggang sa labas ng gate at maikot ang village ang sobrang tagal ng usad.

"Step a bit harder now."

Kinakabahan akong iliko ang kotse dahil pakiramdam ko ay blind spot ko ang mga gilid. Kaya naman sumisigaw ako kada liko at mabibingi na sa akin si Kuya.

"Driving lessons, done! Sira nga lang ata ang eardrums ko." Reklamo niya dahil dalawang ikot lang ang ginawa namin sa village pero pawis na pawis kami sa kaba.

Tawang tawa ako, isa ata ito sa downfall kapag matalino, hirap sa ibang bagay.

"Ambagal mo matuto, noong ako hindi naman ako inabot ng dalawang oras." Yabang niya sa akin.

Umirap naman ako. "Talaga? E twenty one ka na nga pero di mo kaya mag luto!"

"Foul!" Sigaw niya sa akin habang tumatawa.

Inasikaso ko na din kasi ang tungkol doon sa condominium
Bibisitahin ko nga ngayon e, magpapasama lang ako kay Manong Emile. Dala ko na din kasi ang susi at mga papeles. Ilalakad na lang doon.

Nagsuot lang ako ng simpleng dress. Isa sa mga binigay ni Kuya noon. At puting rubber shoes. Medyo traffic pero ano pa nga ba ang ieexpect ko!

"Manong, sure ka dito iyong Aruga by Rockwell?"

"Sure na sure, Miss." Tango niya sa akin. "Ito lang naman ang nag iisang Aruga, e."

"Okay, Manong. Wait mo ako, ha!" At lumabas na ako ng kotse. Ngumiti naman ako sa guard, tumango siya sa bodyguard na kasama ko.

Nag insist kasi ang mga kapatid ko, na kung saan man ako pupunta ay mahalagang may kasama akong body guard.

Ang hirap nga gumalaw e, pakiramdam ko kasi irereport nitong bodyguard lahat ng kilos ko kela Kuya.

"Hello, I would like to talk with the manager? I have a unit here, recently transferred to my name." Sabi ko sa counter ng lobby.

Tumango ang babae. "Can I get your name, Miss, please?"

"Yes. It's Saudade Valbuena."

Hindi rin naman tumagal dahil mabilis na nag approach iyong manager. Gulat na gulat pa siya dahil parang hindi niya ako ineexpect.

Mabilis niyang pinakita sa akin ang lahat ng nandoon sa building. Ang laki ng pool, may gym din at mga kakainan. Andami niyang sinabi, kaya naman pala eleven million ang isang unit, andaming freebies!

"This is your unit, Miss Señorita."

Miss na nga tapos Señorita. Ang galang niya sa akin, siguro respetadong respetado si Papa dito.

Bumungad ang malaking living room na may carpet at flat screen television at coffee table. Nakapalibot din ang sofa doon at may glass na pinto para sa balcony.

Pagliko naman ay ang kitchen, kumpleto ang mga gamit doon. Wala lang stock ng pagkain. Pero lahat ay maayos at nag fufunction. Ang dining are ay sa likod ng living room, bale tanaw ng mga kakain ang television.

May malaking mirror din na halos isang pader ang sakop kaya kita ng mga kumakain ang itsura nila.

At kapag diniretso naman ang lakad ay may hallway, andoon ang isang banyo na may bathtub at shower room. Maganda din ang loob at may salamin sa pader na sakop iyon. Kita mo sarili mo pag naliligo, hahahahha.

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon