2- Medalya

37 2 0
                                        

Tabi kaming matulog ni Karlos. Wala naman itong kaso o malisya sa kanya dahil alam ng buong sambayanan na kahit kailan ay hindi siya maaakit ng babae.

At hindi ko naman siya kayang akitin, ano!

"Wake up, wake up!" Maarte niyang sabi, tamad kong tinignan ang cellphone kong luma. Di ko man lang narinig ang alarm sa sobrang pagod kakaiyak.

Hiyang hiya pa nga ako dahil andito ang mga kapatid ni Karlos. Bunso kasi siya sa tatlong magkakapatid at ang parehong Kuya niya ay pulis.

"Maga ata mga mata mo, Sadie?" Tanong ni Kuya Neil.

"Wala ito, Kuya. Pinag handaan ko kasi yung speech tapos naiyak na din ako kaka practice." Palusot ko.

Wala ang parents ni Karlos dito, parehong OFW at sa ospital nag tatrabaho sa Jeddah. Hindi kalakihan ang sweldo pero nakakaraos naman. Medyo gipit nga lang sila ngayon dahil sumabay ang graduation namin pati ang planong kasalan ni Kuya Neil.

Mabilis ko namang inubos ang handang breakfast, hindi naman ako maarte sa pagkain at ako na rin ang naghugas.

Wala pang fifteen minutes nasa school na kami. Hindi naman ganoon kalayo, isang jeep lang naman kaso ang kalaban mo traffic.

"Tangina naman, Cavite, kailan ka magbabago?" Mura ni Karlos dahil late kami sa grad practice.

At sa wakas, inabot ko na din kay Maam ang speech. Binasa niya iyong mabuti bago tumango tango. Very touching daw, e shempre! Minsan lang maging Valedictorian e!

"Naku, girl, hindi ko na nga alam anong heels ang susuotin ko pang rampa!"

"Ha, edi ba sila Kuya mo ang aattend? Nako, lalake ka muna for a day." Asar ko sakanya.

Alam naman ng mga Kuya niya na tagilid siya pero bilang pagbibigay respeto ay umaayos parin siya ng salita at kilos pag kasama ang mga kapatid dahil sabi nga niya, tanggap man siya ng mga kapatid niya ay dapat hindi niya ito abusuhin.

"Karl!" Tusok ko sa tagiliran niya. "May basketball try outs na oh, nood tayo?"

At shempre hindi na siya sumagot dahil dumiretso na siya doon sa may bleachers at inilabas ang malaking pamaypay.

At dahil hanggang Highschool lang naman ang eskwelahang ito, lahat ng try outs ay mga first year at second year.

Hindi kami masyadong nag enjoy ni Karlos. Puro bata, ayoko sa bata.

"Ehem, ang kapitan ng volleyball sumusulyap sulyap!" Tukso niya sa akin dahil talagang napaka walang huyang tumingin ni Von habang nag lalaro.

"Papansin. Kada serve titingin dito? Makukuha ba ako sa serve serve na iyan?"

Okay, sige. Given na matangkad, moreno, medyo maganda ang katawan at maganda ang ngiti niya pero kasi...laman din siya ng guidance office at suki sa community service.

It's a no for me.

"Ayan na siya, inday!" Mahinang tili ni Karlos.

Pumikit ako at hinilot ang sentido. Mahihirapan nanaman akong umiba ng usapan dahil mapilit iyang si Von.

"Hey, ah, congrats ha? Balita ko ikaw ang valedictorian." Pambungad ni Von.

"Thank you."

"Thank you lang? Hindi mo ba sasagutin?" Singit ni Karlos! Ano ba iyan?!

"Hindi ko naman pinayagan manligaw!" Mabilis kong sabi, medyo lumakas pa. Totoo naman e! Binasted ko siya kaagad noon!

Tsaka bata pa ako! Ayoko pa! Hindi ako handa, iyong valedictorian speech nga isang buwan ko pinag isipan iyon!

SAUDADE: A Warrior In Every InchMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon