44 - Closure

11 0 0
                                    


"Can I talk to you?"

"Sige po."

Umupo si Capt. Rementilla sa may gilid at tumingin din siya sa malawak na view. The sun is setting on the horizon, it's like a dream.

"I love your sister. I am going to ask her hand in marriage." Bulong niya. "Despite our past, the trials we had for years...I still love her."

Tumingin ako sakanya, he's smiling to himself. Halatang halata na mahal niya si Ate. Wala akong kilala na lalake na naging ganito sa kapatid ko.

Sobra akong ginulat ng balitang iyon, I saw Ate before in a wedding dress and now I am going to see her again in the altar! Pero sa tamang tao na!

"Bagay po kayo, pareho kayong kapitan."

"I want to ask for your permission. Ikaw na lang ang hindi ko tinatanong, your brothers agreed with me."

"Capt. Rementilla---"

"Kuya Asher nalang, magiging brother in law mo naman ako." Tapik niya sa balikat ko.

I laugh to his silliness. "Kuya Asher, sa nakikita ko ay talagang mapapasaya mo si Ate. Susuporta ako sa iyo."

"Thank you." Masaya niyang sabi. "Iyong pangako noon highschool pa kami, matutupad ko na."

"Pero, nagkalayo po kayo, diba? Mabuti at nag stay ang feelings mo kay Ate." Mahina kong sabi.

Sa amin kaya ni Seth, hanggang saan kami aabot?

"Noong umalis ang Ate mo papuntang France para mag piloto siya, hindi niya ako iniwan." Paliwanag niya. "Dahil dinala niya ang puso ko sa pag alis niya. At nasa kanya pa rin hanggang ngayon."

It's our last night here in Batanes and dinner is ready kahit six p.m pa lang. Tumabi ako kay Kuya Alastaire, nakikipag usap siya kay Kuya Asher tungkol sa trip kahapon.

When Ate Belle arrives, she silently nods to us. Tumingin naman siya kay Kuya Asher pero parang isang segundo lang at tumabi na siya sa akin.

"Why are you sad?" Tanong ni Ate.

"May namimiss lang." Amin ko, tumawa pa ako.

"Mahal mo kaya ganyan namimiss mo pa rin. Mahal mo pa, kaya parang ang sakit pa rin."

Humawak ako sa kamay ni Ate. Pinipigilan ko umiyak at dinaan ko sa pag kain ng kebab ang damdamin ko.

"Ikaw, Ate, mahal mo pa ba?"

Huminga siya ng malalim, sisindihan na sana niya ang sigarilyo sa bibig pero dahan dahan niyang itinago iyon.

"Wala akong ibang tunay na minahal kundi iyong iniwan kong tao noon sa airport." Ngiti niya. "Kahit muntikan na akong ikasal sa iba, ang nakikita ko sa altar....iyong unang lalaki na pumasok sa isip ko ay ang kumag na iyan."

Pinigilan ko ang kilig ko para sa kanila, takam na takam ako sa ginawang shawarma rice ni Kuya Ace.

"Oh, Kuya Lourde?" Ate stands up, tumingin ako sa likuran and Kuya is there. But he is not alone, andoon din si Kuya Freude.

Bumati ako kaagad sa kanilang dalawa. Why are they here? Lito ding bumeso si Ate kila Kuya. And Kuya Ace is drunk while he high fives with them.

"Enjoying your last night in Batanes?"

"Why are you both here?" Tanong ni Ate sakanila.

"To witness a miracle?" Umakbay sa akin si Kuya Freude. He greets Kuya Asher, doon ko lang napansin na may kasama pa pala silang isa. A lady in a fine dress proceeds to kiss Kuya Asher on his cheeks.

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon