10- Guilty

20 0 0
                                    


Isang linggo nanaman ang lumipas at mabilis na umusad ang kaso. Mabilis din kasi kumilos si Attorney Ongpauco, may tiwala din ako sakanya dahil noong sinalaysay ko ang nga ginagawa ni Greg sa amin ni Mama ay hindi siya nag te-take notes, pinapakinggan niya lang ako at seryoso niyang tinatanggap lahat ng sinasabi ko.

Nag fade na rin ang pasa ko, niresitahan naman ako ng doktor na uminom ng painkiller para hindi maramdaman ang sakit sa pisngi, ilong at tagiliran.

Nang malaman nila Kuya Ace at Kuya Freude iyon, gustuhin man nilang umuwi para personal akong ma check, may trabaho sila.

Si Kuya Ace ay nasa Batanes ngayon at inaayos ang tuluyang pagtransfer sakanya ng ibang ari arian including the yacht.

Kuya Freude naman inaasikaso ang construction business, ang ValbuenaSteel. Siya na kasi ang nag aassumme ng position ng CEO, siya rin ang Head Engineer e.

At sobrang busy na din ni Kuya Lourde, andami niyang inaasikaso at may hawak pa siyang isang kaso. Na delay pa nga siya doon dahil sa kakamatay lang ni Papa pero binawi niya kaagad para matapos na.

Ngayon ang unang araw namin ni Ate Belle. Sabi niya kasi noong nakaraan ay may ipapagawa siya sa akin once na umokay okay na ang pakiramdam ko.

Pinag suot pa nga niya ako ng jogging pants at sports bra. Dala ko din ang isang litrong tubig ko. Iniintay ko siya dito sa may tapat ng pool.

Nang dumating naman siya, naka short at tshirt siya. Suplada niya akong tinignan at may tinuro sa malayo.

"See that lamp post by the main gate? You'll start there until you reach me here. Circle the edge of the pool then go jog back to the main gate." Buti nalang nasabayan ko ang instructions niya.

Nag snap siya ng finger niya sa harapan ko. "Titigil ka lang pag pakiramdam mo mapuputol na ang binti mo."

"Okay..." At pinag start niya akong mag stretching. Andaming sets doon at sabi niya mild lang daw! Tagaktak na nga ang pawis ko.

Isang cup lang ata ng tubig ang pinainom niya sa akin. Pinag pahinga lang niya ako ng isang minuto at saka pintakbo na.

Noon una ineenjoy ko pa. Unang ikot ko ay inabutan niya ako ng isang cup ulit ng tubig. Busy siya sa pagsigaw sa akin kapag lumalamya ako. Damn! Ang lakas niya sumigaw.

"Kaya pa?!"

"Yes!" Sigaw ko kahit para akong mapuputulan na ng paa.

"Last ikot, bilis!"

Huminga ako ng malalim at tumakbo na ulit. Grabe ang tulo ng pawis ko kahit seven palang ng umaga. Pagising pa lang ata ang ibang kasambahay pati si Manang.

Sumalampak ako sa bermuda grass at pinakalma ang sarili ko. Ngayon lang ulit ako nag exercise, hindi naman ako sporty.

"Mag cool down ka, then go to the kitchen. You'll cook your breakfast." At iniwan niya ako doon.

Pagod na pagod kong hinihila ang sarili ko papuntang dirty kitchen. Wala pang maids doon at nakaupo si Ate sa dining nang sumilip ako.

Tumaas ang kilay niya. "Cook me breakfast. And cook yours, too."

Hindi na siya ulit nagsalita at pumikit na siya. Nagmadali tuloy akong maghugas ng kamay at tinignan ang ref, hindi naman kumakain ng basta basta iyon.

Ano ba ito, parang challenge, pinagod ako tapos pag lulutuin ako.

Sa huli ay inilabas ko ang wheat bread at nutella. Kumuha ako ng saging at hiniwa hiwa ko din. Nakita ko siya noon na kumakain ng ganito e. Tapos nag painit ako ng tubig para sa kape.

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon