9- Deserve

18 0 0
                                        


Tinapos ko ang kinakain dahil nakabantay si Kuya Lourde, apat na araw akong may sakit at nanghihina. Dahil sa paglalaro ko sa ulan at pagiging careless ko. Trangkaso tuloy.

"You're just sixteen, mahina ang immune system mo. Finish your food and drink your meds." Magkasabay kaming kumain ng lunch na siya ang nagluto.

Ang pangit pangit ng lasa ng gamot! Ayokong ayoko pa naman ng umiinom niyan, pakiramdam ko iyan ang ikamamatay ko.

"Kuya, pwede ba ako manguta g sayo?"

"The fuck?" Tanong niya pabalik. "Bakit? You have your money---"

"Pero mahahawakan ko after two years pa." Giit ko. "Sige na, please. Babayaran ko pag may pera na ako. Kailangan ko lang ilabas si Mama at bumili ng gamot niya pang maintenance."

Tinitigan niya ako habang umiinom ng tubig. Sinusuri ako kung nagsasabi ng totoo.

"Never lie to me, I'll know. Abogado ako." Takot niya.

"I'm not lying, Kuya! I never lie!" Ops, napapa english na ako!

Hindi ako makauwi noong nakaraan, dahil pa doon sa eksena ni Ate Belle ayan mas lalo akong nagkasakit.

"Magpagaling ka para masamahan kita." Sabi pa niya, bigla naman akong humatching sa tissue. Hays, ito talaga ang sakit ko. Allergies!

One week na si Mama sa ospital. Ang mahal pa ng bill. Buti nalang pumayag si Kuya. Wala naman sigurong tubo iyon. Almost twenty thousand na ang bill, hays, wala man lang discount sa ospital.

"Bawas mo nalang sa allowance ko, oh."

"Wag na. It's your mom. Buhay ang pinag uusapan. Hindi mo na kailangan makipag negotiate. Finish your food, Sadie!" Sa huli ay nagmadali akong lunukin lahat ng gulay.

Palagi din kaming nag kakasalubong ni Ate Belle, hindi naman maiiwasan iyon pero siya na ang umiiwas. Tipong wala siyang nakikitang Sadie.

Okay na rin iyon. Hindi na rin niya ako tinatarayan.

Ngayon ko lang din tunay na na appreciate ang mga kasambahay, pag balik ni Manang ay todo asikaso siya sa akin.

"Kuya." Pangungulit ko. Busy siya sa readings niya ng kaso sa living room kaya naman umupo ako sa tabi niya.

"Oh?"

"Kaya ko gustong umuwi kasi wala na akong damit. Isipin mo ha, iyong three days two nights ko naging one week."

"Oh?"

"Wala na akong panty."

Nanlaki ang mga mata niya. "Saudade!"

"Totoo naman kasi! Tsaka ang sikip ng size na binili niyo nung nakaraan, medium! E large ako---"

Napatingin naman siya sa akin. "You go to the mall and buy yourself some clothes, then. Or tell Esther your size and she'll buy you clothes."

"Gastos! May damit naman sa bahay!" Stressed kong sabi. Ayaw niya parin ako pauwiin, mabibinat daw!

Ibinaba niya ang binabasa at tumayo. "Fine. Bilisan mo, we'll go today. Bring your medicines."

Wala pang limang minuto ay nasa shotgun seat na ako ng Fortuner niya. Ang dami dami nilang sasakyan kaya malito lito ako.

Traffic din ha, at talagang ginagawa pa itong daan sa gate 3 ng Lasalle, perwisyo yan sa nga estudyante.

"Dapat diyan ako mag aaral kasi may Archi naman diyan." Turo ko sa Lasalle, noong pagkalagpas namin doon. "Kaso mahal! Tsaka hirap makahanap scholarship, pending iyon samin ni Karlos. Kung sa EAC naman, ganoon din. Bumaba ang tuition ng ilang libo pero, UST parin dream school ko."

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon