27- Padayon

17 0 0
                                        

Fifth year. The pressure is fucking real, individual thesis for the final year and I have to do it right away.

I am back on the laude list. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ang pangalan ko doon na katabi ang pangalan ni Karlos.

I hugged my brothers and sister that day, they really filed a complaint about what happened. And inassure naman sila ni Dean Estrada na mag kakaroon ng triple visit ang internship coordinator sa companies para makita na rin kung ayos talaga ang students.

Maayos na din akong nakakatulog these past few days. Two whole months ata akong kinakain ng paranoia dahil wala ako sa laude list. But now...I can finally sleep.

Pero! Dadaanan ko pa si Mama sa ospital. Inayos ko ang kalat ko sa kwarto at binilinan si Esther na huwag nang bumili ng pagkain dahil ako na ang magluluto at magdadala.

Nagluto ako ng carbonara para sa amin ni Esther at shempre low carb food para kay Mama. No sweets din at fruit juices.

And dahil hindi parin ako masyadong nag da drive, nag commute ako. Bitbit ko ang paper bag at pumasok sa kwarto ni Mama. She smiles to me and I kiss her cheek. Aw, she looks so lovely today!

"Sarap magluto ni Madame!" Bola pa ni Esther.

"Huh, shempre! Learned from the best." Inilabas ko na din ang sa akin at mainit init pa iyon. Hiniram ko muna ang table ni Mama at doon na kumain.

Susubo na sana ulit ako nang may pumasok doon. Iniluwa ko ang carbonara para magsalita.

"Why are you here?!"

Sumulyap si Seth sa akin at naka white uniform siya. Ang linis din ng buhok niya ngayon at may surgical mask siya na nakababa sa kanya g chin.

Suplado niya akong iniwasan ng tingin at tumutok ang atensyon niya kay Mama.

"How are you feeling, Tita?"

Tita?! Ang kapal naman niya, hindi ibig sabihin na kinampihan niya ako ay ganyan siya kay Mama.

"Ayos naman. Gusto mo kumain? May iniluto si Sadie---"

"Mama. Busog siya. Kumain siya kanina nakita ko." Mabilis kong sabi kahit hindi ko naman talaga nakitang kumain si Seth!

"Ganoon?" Dismayadong sabi ni Mama.

"Masarap po ba iyan? Mukhang nagugutom ulit ako."

Anak nang...sinakyan pa niya ang trip ni Mama. Umusog tuloy ako para makaupo siya dito sa sofa. Hindi ko siya pinapansin at itinuloy ang pagkain.

Umusog pa siya sa akin para kalabitin ako. Inis ko siyang tinignan, he's looking at my fork.

"Do you have an extra?"

"Wala. Kumuha ka nalang nang sa iyo. May pantry naman kayo."

"That's downstairs." Bulong niya. "I can use your fork. I won't mind."

Ngumuso ako at gusto kong mabulunan, hindi ba siya laway conscious?!

At talagang inintay niya ako, nakikipag kwentuhan siya kay Mama at mukhang close na sila ha? Bakit parang walang binabanggit sa akin si Mama about him?

"Bakit ka ba kasi nandito? Hindi ka naman nurse, nakikikain ka pa." Masungit kong sabi, gutom kasi ako at balak kong ubusin iyon pero sige sakanya nalang.

"Dito ako naka duty, remember? Makati Med? And yes, doon ako sa xray lab naka duty. I just like going here and talking with your Mom." Sabi niya at kinuha na ang tinidor ko.

He twirls the carbonara and eats it. Wala siyang reaksyon kung nandidiri ba siya sa laway ko or what.

"Masarap." Sabi niya. "Ngayon ko lang natikman ang luto mo."

SAUDADE: A Warrior In Every InchMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon