Alarm! Oh, God! I'm going to be late again, dapat talaga ay hindi na ako nagpuyat!"Wait, wait, wait!" Nagpapanic kong takbo, hawak ang toothbrush sa isang kamay at blower sa kabila. I am late for work, tinapos ko pa man din kagabi iyong design.
My phone rings, ayan na nga ba ang sinasabi ko. Tumatawag na itong manager kong intsik.
"Sadie! What time is it?" Bumungad ang magulong backstage, karamihan ay andoon na.
"I know, I'm so sorry, I'll be there in a few." Hinugot ko iyong heels sa shoe rack at minadaling bumaba sa parking. May sarili na din akong sasakyan dito and maganda ang takbo ng income ko. Bukod sa bagong sasakyan ay may newly hired din akong helper lalo na kapag may event.
"Naku, Architect, hindi ka pa pala ready?"
"Let's go, tara na!" I closed the door, ipinatong ko ang paa sa seat para ayusin ang lock sa heels. Pinaandar naman kaagad ng driver ang sasakyan. Wendy did a rundown of my appointments for today while I fix my face, mukhang magiging busy ako dahil malapit na ang big event.
Gosh, six months na ako dito sa Singapore. At feeling ko turista parin ako, maya't maya ang tingin ko sa labas.
"Low carbs for lunch, Wendy. And don't forget my dessert." Bulong ko sakanya, she winks back to me. Strict pa naman itong stage director. Gusto niya maganda talaga tignan ang mga damit sa amin.
"Finally, Sadie is here!"
"I'm sorry." Tipid kong ngiti. Kumakalam ang sikmura ko, I did not eat dinner last night dahil tinapos ko iyong pinapagawa sa trabaho. Tapos ngayon may rehearsal kami at ginugutom ako.
As usual, magagarbo ang susuotin. May headress pa kaya ilang rehearsal na naming suot iyong pieces namin. Mas matataas ang heels this time.
"Walk straight, please!"
I let out a heavy sigh once the rehearsal was over! Grabe, kahit ilang buwan na ako dito ay talagang kinakabahan pa rin ako.
"Architect, lunch mo."
"Thank you, Wendy." Nilantakan ko ang binilin sakanya kaniya kanina. My life revolves around this routine, I accept shoots kapag too busy para sa runway pero dahil tapos ko na ang trabaho ko ay mas makakapag chill ako mamaya.
Anyway, busy ang family for the upcoming wedding of Kuya Alastaire and Lauren. Mukhang December din sila ikakasal, Lauren's planning for it to be a church wedding, konti lang ang bisita.
"Say hello to your inaanak."
"Hello, darling!" Lapit ko sa monitor. Malaki na ang tiyan ni Ronna, malapit na siya manganak and everyone is excited.
"Isa ka sa ninang, ha, isang libo kada pasko."
"Wow, kontrata agad!" Irap ko.
"Aba, ang yayaman talaga ng kukunin kong ninong at ninang!" Ronna laughs, she's gain more weight now and busy sa mga pinamiling baby clothes. Mukhang nag haul sila kanina, dalawa agad ang stroller!
"Anong plano for Lauren's wedding?"
"Aba, edi malamang uuwi ka!" Sigaw niya sa akin, highblood naman nito. "Mag kasunod na week lang ang kasal namin kaya uuwi ka talaga!"
"Hindi ka pa nga nanganganak, atat ka magpakasal!" I fear that she may be having a c-section, super laki talaga ng tummy niya!
"Kayang kaya kong tumambling papuntang altar na may kasamang sanggol, Sadie." Pagmamalaki niya pa. "Parang di mo naman ako kilala, hello!"
![](https://img.wattpad.com/cover/177114593-288-k450169.jpg)
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
RandomSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...