ESTHER AMARILLO'S POINT OF VIEW.Mahimbing na ang tulog ko dahil madaling araw na pero malakas akong binulabog nitong cellphone ko. Kaasar, kapag ito iyong ka chat ko na makulit ay talagang makakapagmura na ako.
Hindi na talaga ako makikipag chat sa bumbay, ang hirap nila kausap! Tatanda nalang akong dalaga sa status ko!
"Ay, si Maam Belle, bakit kaya?" Taka ko pa bago sagutin ang tawag.
"Esther. Where are you?"
"Dito po sa condo ni Miss Sadie." Mahina kong sabi, mukhang galit si Maam Belle. Ano kayang mayroon?
"Manong Emile will be there shortly. Maiiwan si Royce diyan para magbantay and don't tell Sadie's Mom you're leaving tonight, you need to come with Manong Emile. Make sure to bring a sweater." Iyon lang ang sinabi niya at hindi ko na ulit siya marinig, ay, binabaan ako ni Maam.
Ang wirdo pero ginawa ko ang utos niya, sinuot ko iyong malaking jacket ko at pantalon. Sumilip ako sa kwarto ni Maam Claro, iyong Mama ni Sadie, tulog naman at stable.
Binuksan ko ang pintuan ng unit at andoon si Royce, kasabayan kong bodyguard ng mga Valbuena. Hindi na siya naka pormal, shorts at jacket lang ang porma niya.
"Anong mayroon? Tumawag sa akin si Maam Belle?"
"Emergency ata. Naaksidente si Miss Sadie."
"Hala, oy, bakit?!" Tinakpan ko ang bibig ko at tumingin pa sa likuran at baka magising si Maam Claro. "Asaan daw dinala? Kaya siguro ako pinapapunta!"
"Iniintay kay ni Manong Emile sa ibaba. Bilisan mo. Ako na dito." Tango niya sa akin at pumasok na siya para umupo sa may living room.
Hinanap ko kaagad si Manong Emile, ganoon din ang balita niya sa akin. Dinala daw kanina sa ospital si Miss Sadie at aksidenteng dumulas at bumagok ang ulo sa gilid ng pool. Diyos ko, ang batang iyon!
"Naku, Manong, ano na kayang nangyayari?" Hindi ko mapakaling sabi, unang beses na maoospital iyon at ganoon pa ang nangyari.
"Balitaan mo ako mamaya kung anong sabi ng doktor ah, sabi lang kasi sa akin nila Lando ay walang malay si Miss Sadie noong sinakay sa ambulansya."
"Sige, sige, una na ako!" Sinara ko ang pintuan ng kotse at kumaripas na ng takbo papunta sa emergency room. Maryosep, anong oras na!
"Valbuena po, opo, mga lagpas alas tres daw dinala dito!" Sabi ko sa nurse station at ang tagal nilang sabihin kung saan!
"Esther."
"Sir!" Kaway ko pa kay Sir Freude. Sobrang seryoso ng mukha niya at hindi ko makitaan ng usual expression niya na maloko. Kinakabahan akong sumunod sakanya at umakyat kami sa may operating room.
"Maam Belle!" Lapit ko sakanila, ganoon din ang itsura ni Maam Belle. Hindi siya mapakali at may kasama pa silang isang lalaki na hindi ko kilala pero parang kakagaling lang niya sa ligo dahil basa ang buhok at parte ng suot niyang damit.
"She's fucking drunk. Dapat ay hindi ko na pinainom." Bulong ni Maam, nangingilid ang luha niya.
"Ano pong nangyari?"
"I checked the cctv footage." Sabi naman ni Sir Freude. "Masama ang bagsak niya, it's like she fell backwards and hit the side of her head. Concrete iyong gilid ng pool and the fact na may bubog doon dahil basag ang bote! Fuck!"
Nanliit ako habang parehong stressed ang magkapatid, pareho din silang hindi mapakali. Ang tanging kalmado ay iyong lalaki na kasama nila.
"I can still smell her blood, ang dami. Sure bang hindi kailangan ng operasyon---"
![](https://img.wattpad.com/cover/177114593-288-k450169.jpg)
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
RandomSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...