13- Vacation Over

18 0 0
                                        


"Oh, shit!!! Ang sakiiiit!" Ungol ko. And yes, sobrang sakit sa ulo ng hangover para akong pinukpok sa ulo, kahit ilang ipit ko ng unan, tumitibok ang ulo ko.

Dumilat na ako at hindi gaanong maaraw, puro gray ang kulay ng kwarto at mas nakikita ko ngayon ang disenyo ng...kwarto ni Kuya.

Hala, nasa kwarto ako ni Kuya. Hala, gago, sinong nagdala sa akin?!

"Girl! Saan ka natulog, ha?! Wala ka nong gumising kami!" Hikab ni Lauren, mukhang kumakain na silang lahat, ah! Hindi ako hinintay nang mga animal na ito.

Hawak ko ang ulo ko at sumandal sa may tabi ni Ronna. Nag goodmorning pa siya sa akin at inalok ako ng bacon.

"Aga niyo magluto, ang dami niyan ah. Ubos ang ginrocery ko niyan." Reklamo ko pero pabiro.

"Hoy, may bra ka ba?! Bumabakat iyang suso mo, naiinggit ako!" Bulong ni Karlos, matic naman akong tumingin sa dibdib ko. Medyo halata nga, tinanggal ko kasi ang bra ko kagabi, ganoon ako pag naiinitan.

Umakyat ako sa kwarto ni Kuya para mag bra, hay, may kutob na ako kung sino iyong kadaldalan ko kagabi e.

"Oh, ang sarap ng breakfast ah!" Comment ni Chester at umakbay sa akin. "Sarap matulog dito sa inyo! Sana palagi kang may honor!"

"Tigilan mo nga!" Siko ko sakanya. Sakto ding dumaan si Von kaya inalis ni Chester ang pag kakaakbay sa akin.

"Master! Kamusta naman ang mga panaginip mo?"

"Gago, kumain ka na." Saway ni Von sakanya at saka tumingin sa akin. "Sadie, kain na tayo."

Tinaas ko lang ang kilay ko bilang pag oo, kanina pa ako inom ng inom ng tubig. Dehydrated ako at alak ang dumadaloy sa katawan ko simula kagabi pa!

"Ang sarap kamo magluto nung chef niyo, Sadie! Ang gwapo pa!"

"Wala kaming chef, Eden." Sabi ko at salin ulit ng tubig. "Day off dahil wala ang mga kapatid ko. Kaya ko naman mag luto e---"

"Promise! Ang gwapo, diba, Karlos?!" Tumango ang mga girls at nilantakan na rin ng boys ang pagkain sa hapag.

Kumirot ang ulo ko, baliw ata itong si Eden. "Lasing ka lang, Eden."

"Gwapo nga. Kanina pa nga nag tatanong iyon kung anong kinakain mo sa umaga, e." Makahulugang tingin sa akin ni Karlos.

Anak ng putragis. Kinabahan ako kaagad. Hindi ako titignan ng ganiyan ni Karlos kung hindi siya seryoso.

"Glad you're awake---"

"Puking ina!" Gulat kong sabi dahil sa boses ni Seth na biglang umalingawngaw sa likuran ko! Puking inang ito!

Nagbulungan naman ang girls. Natahimik ang boys lalo na si Von. Lumunok ako dahil itim na cotton shorts ang suot niya at manipis na long sleeve na may nakalagay na Radtech sa unahan.

Dito siya natulog?! Siya ang nagluluto ng breakfast?!

"What do you want to eat?"

"Seyoso ka?" Tanga kong tanong sakanya.

Kumunot naman ang noo niya. "Yes...I'm serious. Mukha ba akong nagbibiro?"

"Hi, Lauren nga pala! Chef ka dito?" Porma ni Lauren at kumaway. Hindi niya ata alam na may kanin pa siya sa buhok.

"No, I'm her brother's bestfriend."

"Oh, sorry!" Landi!

"It's okay." Tumingin ulit siya sa akin. "You need to sweat it off, I heard from Freude last time you jog every morning."

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon