I wake up and immediately cry, walang message si Seth sa akin. Sobrang bumigat ang pakiramdam ko dahil hindi ko inexpect na ganito."Maga mata, ha."
"Ewan ko ba." Bulong ko at puyat na pumasok sa klase. For three days, there's no calls and messages. Online pero hindi nagchachat, online pero walang seen.
I try calling him but it's only ringing, hindi niya sinasagot. Alam niyo ba iyong ganoong feeling? Malayo siya and I don't know what's happening.
"Normal naman iyang mamiss mo. Ang hindi normal, hindi ka replyan, hindi i-update." Ngiwi ni Ronna at pinagtimpla ako ng kape.
"May ginawa ba akong mali?"
"Wala!"
"Baka ayaw niyang umiinom ako?" Kabado kong sabi, pero wala namang reklamo noon si Seth. Plus, paano niya malalaman na uminom kami noong birthday ko e hindi nga niya ako kino-contact.
"Sadie, ang babaw kapag ganoon. Tsaka dati pa naman siyang okay kapag umiinom ka, ibang dahilan iyan!" Nang gigigil na sabi ni Ronna.
Ate Belle's 30th birthday is nearing dahil February iyon at hindi na ako mapakali.
Kay Seth ako sanay na maging clingy, sa ex ko hindi naman. Kay Seth lahat, kaya naninibago ako, kailan siya uuwi? Bakit wala siyang update sa akin?
"Sadie."
"Po?" Wala sa sarili kong tanong. Andito kami sa Alabang at bumisita ako dahil bukas na iyong event ni Ate. She's thirty and still single kaya mukhang malaking party ito.
Dadalo ang mga classmate niya from highschool so this will be a semi-formal event. Hindi ko alam bakit ako nandito, gusto ko lang din muna mag enjoy.
"May drinks sa ibaba. Why are you here?"
"I'll go down later, Ate. Medyo pagod lang."
"Sadie." Nag aalala niyang sabi. "What's wrong? Kakagising mo lang from a long sleep, tulog ka din sa byahe noong sunduin kita sa Makati. And you're still sleepy?"
Honestly, I don't know why I am feeling exhausted. Kahit sa school, siguro dahil sa kaka overthink ko.
"Rest if you must, baba ka lang kung gusto mong kumain at uminom." Tango niya at isinara ang pintuan ng dati kong kwarto dito sa mansyon.
Wala namang pinagnago dito, ganito parin. Lilinisan lang kada linggo para mapanatili ang ganda ng kwarto. It's like going back to my younger self, kung saan litong lito pa ako. Na hindi ko alam na mayaman si Papa, na may mamanahin akong pera, lahat lahat.
"You need something?"
Kuya Freude walks closer to me, he's also dressed for Ate's event. Tumigil siya sa tabi ko at tumingin din siya sa dati niyang kwarto dito sa mansyon.
"May inalala lang."
"The night Seth took care of you? Iyong lasing ka at dito ka niya pinatulog?" Asar niya.
That's the memory, hindi nagkamali si Kuya. I sadly smile to him, that memory was old. I was just sixteen or seventeen that time and who knows, si Seth pala ang mkakatuluyan ko ngayon at hindi si Vaughn.
After all these years.
"Kinausap ka na ba niya?"
"Wala parin, Kuya."
"Sa amin din." He sighs. "Hindi na nga niya kami sinabihan noong pag alis niya, medyo umasa pa naman kaming uuwi siya kaagad."
"Ano kayang mayroon, no, Kuya?" Hinga ko.
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
RandomSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...