Nagkaroon kami ng mini gathering ni Ronna, Karlos at Lauren dito sa Tagaytay. Umiinom kami ng wine dito sa balcony, talagang pinagkasya namin ang mga sarili namin para may view.
"You really stashed his clothes sa trash bag?" Tawa ni Lauren.
"Actually, dapat nga susunugin ko nalang. Pero I want him to carry all of it then pagbukas niya, iyong pinaghirapan niyang isakay sa jeep at iuwing Dasma ay puro basura na."
Pumalakpak naman si Ronna, siya ang nagluto ng dinner namin ngayon kaya laking pasasalamat namin dahil the best ang caldereta niya.
"You never really know someone is treating you bad unless maikwento mo na sa iba."
"Ano nang balak mo after grad, Lauren?" Tanong namin sakanya.
"Beach tayo. Tayong apat!"
"Sure ka?" Tanong ni Karlos habang kanina pa abala sa ka text.
"Yes! Boracay tayo, gusto niyo ba? Or Palawan?"
"Ayoko ng Palawan, doon kami pumunta ni Vaughn noon." Singit ko.
"Edi, mag Davao tayo!" Tusok niya sa gilid ko. Pwede din naman, bukod sa Cebu ay iyon nag gusto kong mapuntahan.
Nanood din kami ng Four Sisters and a Wedding. Kabisado ko pa naman nag linyahan ni Teddy doon. At kanya kanya kami ng linya, sobrang kwela lang dahil bagay na bagay kay Karlos ang role ni Bea Alonzo.
Mabuti nalang at may pull out bed itong kama, doon natulog si Lauren. Katabi ko naman si Ronna. At sa couch doon sa living room natulog si Karlos. Hindi pa nga siya kasya dahil sa tangkad niya.
Maliit lang kasi itong unit ni Kuya. Pang dalawang tao lang talaga. Binili pa niya ito noon, pero hindi na siya gaanong bumibisita dito.
The next day, sabay sabay naman kaming bumaba pa Manila. Preparation na kasi para sa graduation ni Lauren.
Excited kami dahil Cum Laude ang gaga. At mukhang legal na rin sila ng kanyang ka fling which means sila na! May first boyfriend na rin ang baby namin!
Magkakasabay kaming pumunta nila Karlos at Ronna. At kahit naman lalaking lalaki na si Karlos, andoon parin ang galing niya sa pag me-make up. Kaya todo ayos kami ni Ronna, minsan lang kami pumuntang UP.
Para akong proud na nanay habang tinatawag si Lauren to recieve her medal. She's a cum laude!
"Oh, dapat next year may honors din tayo ah, para squad goals." Sabi ko sakanila, para akong maiiyak habang inililipat ni Lauren ang Sablay niya.
Candidates for graduation symbolically receive their degrees from the President by shifting the Sablay from the right shoulder to the left. Ito ang pinaka inaabangan ko, ang gandang tignan ng mga iskolar ng bayan na inabot ang mga pangarap nila.
Kumakaway kami kay Lauren, she's in tears. Sumenyas ako sakanya na huwag umiyak dahil sayang ang make up!
At ang pinaka proud moment sakanya ay ang pagtanggao ng medalya sa stage. Cum Laude!
"Laurena Felysse De Vera, Political Science, CUM LAUDE!"
"Sabi ko naman sa iyo, we believe in you!" Yugyog ko sakanya dahil picture taking na dito sa estatwa ni Oble.
"See that, four years ko yang iniwasan para in the end, siya ang huling picture ko sa UP." Kwento niya sa statue ng oblation.
Ganoon din kami sa UST, nagkaroon ng ceremonial parade sa ilalim ng Arch of the Centuries at hanggang ngayon ay never na kami dumaan ni Karlos sa ilalim noon.
Paniniwala kasi, kapag dumaan ka sa Arch, hindi ka agad makakagraduate! Kaya sinesave namin ang huling rampa doon after graduation!
And after that, kumain kami sa restaurant with Lauren's family. Sa tinagal naming magkakaibigan, para na kaming inampon ng family nila.
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
RandomSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...
