55- Settle Down

12 0 0
                                    


I was feeling a bit tipsy already, the reception is now serving cocktails and beers. At syempre, kumuha ako ng ilan.

Hindi maalis sa isip ko ang titig ni Seth ng sabihin ni Kuya ang mga pangalan namin sa ex category! It was like he knew already that there will be such question.

Nanumula ang pisngi ko dahil sa lamig at hiya. Bakit ba ako mahihiya?

"Sadie, ang tagal mo."

"Wait."

"Are you alright?" Iling ni Karlos.

"What's happening there?" Tanong ko, ayaw ko na sanang bumalik pero hahanapin ako. Humawak ako sa braso niya and he guides me to Ronna's table.

"Walang hiya ka." Seryoso kong sabi sakanya. "Wala kang sinabi!"

"Surprise!"

"I am going to be a ninang." Masaya kong sabi. Natatawa sila sa akin dahil medyo lasing na ako at ako ang ganoon dahil hindi naman palainom si Lauren. Wala na akong kasabayan!!!!

And I forgot, ka table nila si Seth! Aksidente akong napatingin sakanya, he's chatting with a woman on their table. Damn! Ang gwapo parin niya!

"Engineer Lorono soon to be Rosallosa. Kay tamis naman." Asar ko sakanila.

"Sus, inggit si Architect Valbuena!"

"Maliit na bagay. Isa pa ngang tawag ng Architect, sarap sa tainga e!" Hagikgik ko.

"Architect?"

I fall silent, Seth just asked me. Natahimik kaming lahat at tumingin ako sakanya. His focus is now on me.

"Yes, Engineer Ongpauco?"

"You passed the board exam, I assume?" His lips pursed a little, tumingin siya sa hawak ko sa braso ni Karlos bago ibalik ang tingin sa akin.

"I did." Tango ko. "Top two."

"You didn't know?" Pahabol kong tanong. Nadulas ako, fuck. Bakit ko ba tinanong kung alam niya? Mukha naman siyang hindi updated!

"No." Imik niya, uminom sa sariling wine. "I don't have any news from you or what you are up to."

Ouch. Okay, medyo masakit.

"Matagal na kayo?" He suddenly asks, his gaze turns to Karlos. Napatingin din si Karlos sakanya, nalito naman ako.

"Huh?"

"I saw both of you, kissing. I was in the area after a hell shift in the hospital." Malamig niyang sabi, napahinto ako sa paghinga.

"We're just...bestfriends!" Depensa ko. And how was he there?! Bakit siya nag babar?! Bawal sakanya iyon at puyatan sila ah?!

"Torridly kissing your bestfriend, huh?" He stands, mas matangkad siya kay Karlos. He towers over me, ramdam ko ang lamig na dala niya.

"Ano naman sa iyo kung nag halikan kami? Kayo pa ba?" Mapang asar na sabi ni Karlos. I mentally sigh, this is getting worse.

"No, we're done. Tapos na, matagal na."

"Let's go, Sadie." Hawak ni Karlos sa kamay ko, to steer me away from Seth. Ramdam niyang any moment ay bibigay ako at bigla akong magmakaawa dito.

"I am not done talking to Architect Valbuena."

"She clearly doesn't have time to talk, she's tipsy and I'm taking her to her room----"

"Hindi kita kausap, Architect Ansanto." Inis na sabi ni Seth at mas lumapit. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Karlos. Sa gilid ng mga mata ko ay tumayo na si Engr. Rosallosa para umawat kay Seth.

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon