"He was crying when he said that, Karlos." Kwento ko at tinusok iyong cake, andito kami sa MOA para maikwento ko sakanya ang nangyari.
He listens intently to me, making sure I spill every word on what Seth stated.
"What do you feel?"
"Regrets."
"Bakit?"
"Dapat wala na akong pinili noon. Dapat hindi ko nalang din pinili si Vaughn. Edi wala akong heartbreak."
Tumaas ang kilay ni Karlos. "Maybe, it's destined to be that way. Pwedeng isang paraan iyon para malaman mo kung sino ang nag iintay sa iyo ng ilang taon at kung sinong mag kukunwaring aalagaan ka tulad ni Vaughn."
Tumango tango ako pero pinigilan niya ako.
"Pero! May isang pero, pwedeng maulit ang nangyari sainyo ni Vaughn kung hindi ka pipili ng tama."
"I don't know what to feel, Karlos."
"Remember, ilang beses ka ding iniyakan ni Vaughn but he still cheat."
Working in the same office with him, it's hard to breathe. Palagi akong conscious sa katawan ko. I always wear corporate clothes now and even manage to do the effort of shopping heels and bags.
Araw araw na din akong pumapasok para mas umikli ang internship hours ko.
Araw araw din akong tinatarayan ng palihim ni Architect Lim. Gusto ko na ngang sumabog at sumagot pabalik, talagang nag titimpi lang ako dahil pwede niya akong ibagsak sa evaluation.
"Do this, pass it mamayang hapon." Tambak niya sa mesa ko. Plates iyon at ang gusto niya ay ilipat ko sa computer. Lahat complicated.
Hindi nalang ako kakain ngayong lunch. Madami naman akong kinain kanina.
"What do you want to eat?"
"Po?"
"Anong gusto mo?" Tanong ni Seth at kinuha ang susi niya.
"Wala." Iwas ko ng tingin, avoiding him is best for our situation. Ayokong ma labelan na kabit.
Twenty minutes later, may ibinaba siyang paper bag ng Jollibee sa lamesa ko. I stare at it, kumakalam ang sikmura ko sa amoy ng spaghetti at chicken joy, may mango pie at sundae pa.
"Paano ka?"
"I already ate while waiting for your takeout." Ayos niya sa necktie niya at bumalik na siya sa trabaho.
Ayaw ko sanang kumain pero sadyang tinraydor ako ng sikmura ko. The first bite of chicken joy sends me to heaven. Ang sarap talaga mabuhay.
Hindi ko naman pinapansin ang pag kakape ni Seth. He's enjoying the fact na kumakain ako dahil hindi naman na ako palaging nag lulunch.
"Finally! Ang playboy ng taon!" Sabi ni Engineer Rosallosa nang pumasok si Kuya Freud sa opisina ni Seth.
"Kuya!" Sabi ko at tumayo para bumati sakanya. Mukhang kakauwi niya lang galing Germany! Hindi siya nagsabi sa amin.
"Shut up, Jerick, bunganga mo." Sabi ni Kuya at bumeso sa akin. "Seth, musta, pare? Still engaged?"
"Tangina kakauwi mo lang tapos iyan ang bungad mo sa akin?" Ngiwi ni Seth sakanya.
"Inaalagaan mo bang mabuti ang bunso ko?"
"Ni hindi ko nga pinapalapit kahit lamok diyan."
Aba! Nakukuha niyang bumanat kay Kuya! Habang andoon ako? Nakakahiya!
"Lamok? Parang si Architect Lim iyon ah?"
"Bibig mo!" Saway ni Seth sakanya at hinampas ng nakarolyong blueprint.
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
Ngẫu nhiênSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...