8- Raindrops

18 0 0
                                    

Iyon na ang pinaka mahabang sandali sa buhay ko. Nang maibaba si Papa sa ilalim, hindi na ako tumingin muli sa lupa.

I fixed my gaze on the clouds above, doon lang. Alam kong masaya na siya ngayon, kumpleto na kami. Kailangan lang naming mag work out sa isa't isa.

"Are you okay?" Lapit ni Kuya Lourde sa akin.

Tumango lang ako at dumiretso na sa kotse. Andoon si Mang Emile at inalok pa ako ng pagkain. Wala akong panlasa, magkakasakit ata ako.

Ang tagal din ng byahe pauwi, traffic. At sa isang iglap, bumuhos ang ulan. Mas lalong lumamig at naging maganda ang mga tugtog sa radyo ni Manong.

Si Papa talaga oh, umiiyak pa sa langit! Ang saya siguro noon at Valedictorian ako!

Ngumiti na lang ako hanggang sa makauwi kami sa Alabang. Masakit ang ulo ko at sinisipon ako kaya naman dala ko ang tissue galing sa kotse.

Ako ang huling umakyat dahil ayoko silang pangunahan. Inintay ko hanggang sa lahat sila ay nasa kani kanilang kwarto.

Saka ako tumayo sa second floor at tinitignan sa malayo na umaapaw ang pool dahil malakas ang ulan.

"Hala, ano ito?" Tinignan ko ang isang bag sa kama ko. Tatak iyon ng isang laptop! Hala!!

Dali dali kong binuksan, ang mahal ng brand na ito! At kumpleto na rin ang apps. Konektado rin sa wifi.

Belated grad gift, hope you like it.
-Freude

"Hala, si Kuya! Gumastos pa pwede namang tablet lang!" Pero ang laki ng ngisi ko dahil may magagamit na ako!

Agad kong kinalikot ang laptop at kumonekta sa facebook. Wala akong cellphone kaya baka nag aalala na si Mama. At dahil di naman mahilig sa facebook iyon, tinawagan ko si Karlos.

Gulat na gulat siyang makita ang kwarto ko.

"Ang sarap mong sabunutan, girl! Diyan ka na tumira! Kung ako sa iyo mag aala prinsesa alo diyan!!!" Sabi niya with matching sabunot sa katabing unan.

"Gaga, uuwi ako diyan bukas. Kakausapin ko muna si Mama. Pinuntahan mo ba kanina?"

"Oo! Ang mahal ng bill, grabe na talaga ang Pinas ngayon."

Siya kasi muna ang pinagkatiwalaan ko na bumista kay Mama. Wala naman sakanya iyon at gusto niya ring pumunta ng ospital dahil bakasyon na ngayon.

"Ang yaman ng pamilya mo, ha! Dapat isama mo ako diyan mag overnight! Pwede ring one week, i-ready ko na ang maleta ko!" Desidido niyang sabi.

Kinwento ko na din sakanya ang mga nangyayari dito. Doon lang siya sumeryoso nang tungkol na kay Ate at Tita at sa mga mamanahin ko.

"Magkano ba kasi ipapamana sa iyo?"

"Ano....ten million." Bulong ko nang napaka hina.

"Ten million, putangina mo?!"

"Relax----" Awat ko dahil parang siya pa ang tunay na anak dahil hindi siya makahinga.

"Gaga ka ba?! Iyon na ang sagot sa mga pangarap mo, Sadie! Makakapag paretoke ka na ng dede at balakang mo!"

"Putangina nito, hoy! May dibdib naman ako!" Sigaw ko pabalik.

"Pero, realtalk, pare, sampung milyon! Kailan mo makukuha?!"

Doon na ako sumimangot. "Pag eighteen na ako."

Umirap naman siya. "Ayun lang. So, tiis tiis ka muna diyan? Pero okay na din may allowance ka tsaka kasundo mo iyong dalawang Kuya mo!"

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon