4- Kuya, Kuya, at Kuya.

26 1 0
                                    

Tinanggihan ko ang pagsabay pauwi sa nga Ansanto. May salu salo sila doon at balita ko ay may pa tarpaulin at lechon.

Suminghot ako, kanina pa namamaga ang mga mata ko, pinag titinginan nga ako sa jeep habang nasa byahe pauwi.

Hindi rin tinanggap ng jeepney driver ang pamasaheng inabot ko. Sabi niya, regalo na raw niya sa akin iyon kasi valedictorian ako, napansin daw niya sa medal na suot ko.

Lalo lang tuloy akong umiyak.

Bitbit ko iyong toga at mga medal ko at binuksan ko ang munting gate ng bakuran. Tahimik ng bahay, halatang walang inuman at walang tao.

Nakatulala lang ako doon, hindi ako pumasok. Wala si Mama, wala si Greg. Nasaan sila? Wala ding tawag si Mama sa cellphone ko. Tinawagan ko siya kanina pero cannot be reached.

"Sadie! Aba, congrats! May pa fiesta ka ba?" Tanong ng chismosang kapitbahay.

Ngumiti ako. "Wala po! Wala ngang pumunta ng graduation ko e!"

Pangiti ngiti lang ako pero ang sakit sakit na. Tapos hindi pa matawagan si Mama.

"E, sinugod sa ospital ang Mama mo kanina, ah? Akala namin alam mo na?"

Lumingon ako kaagad sa sinabi niya. "Po?"

"Dinudugo! Diyos ko, wala nga si Greg diyan kanina kaya iyong tricycle ni Buchoy yung naghatid!"

Kumaripas na ako ng takbo palabas ng gate, tangina, kailan pa siya dinugo? Dinadatnan pa naman si Mama at hindi pa siya menopause! Bakit siya dinudugo?

Hindi ko na alam ang gagawin kaya dumiretso na ako sa ospital. Yung pagod ko kanina naging kaba na ngayon, sobrang kinakabahan na ako dahil di ako makapag isip ng maayos!

"Miss, sinong bibisitahin?"

"May pasyente daw dito, ano, ah, si..." Namemental block na ako na pati pangalan ni Mama di ko na mabigkas. "Maria Claro Corpuz?"

"Ah, wala siyang room, nasa may emergency---"

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako doon, haharangin pa sana ako ng guard pero nang makita niyang umiiyak ako ay agad din naman akong tinulungan na hanapin ang emergency room.

Gulong gulo na ako at noong makita ko si Mama sa dulo na nakatulala lang sa kisame, doon ako mas nanlumo.

"Ma..."

Tumingin lang siya sa akin at malungkot na ngumiti.

"Pasensya na, anak...hindi ako makapunta..."

Parang sasabog ang utak ko. Ngayon ko mas nakikita na ang payat payat niya at ang lalim ng mga mata, ang bilis din ng paghinga niya.

"Dinudugo ka daw, Ma?"

"Anak, yung bata...nakunan ako."

Ibinaba ko ang mga medalya ko at itinabi ang diploma doon. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

"Bakit hindi mo sinabi sa aking buntis ka?"

Pangalawang beses na ito, nakunan din si Mama noong first year high school ako at alam kong si Greg ang ama.

Kung parehong nabuhay, dalawa na sana ang kapatid ko. Pero alam kong maghihirap kami lalo dahil mas matatali lang si Mama kay Greg.

"Natatakot ako, anak, e." Iyak niya. "Ayaw ng Tito Greg mo na magka anak kami kasi dagdag gastusin---"

"Putangina kasi siya, Ma." Mura ko. Tinikom ko din ang bibig dahil ayaw niyang nagmumura ako.

"At tsaka, natatakot akong magalit ka, ang hirap ng buhay natin ngayon."

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon