48- Fashion

15 0 0
                                    

"Ingat kayo." Paalala ko kila Royce at Esther. They're going on a date, sa firing range. Tuturuan daw niya bumaril si Esther, bonding daw nila. Nagpaalam naman sila and I don't mind dahil mag rereview ako.

Aligaga ako dahil malapit na ang board exam, pilit kong sinisiksik lahat sa utak ko. Hindi tuloy ako makapag workout ng maayos.

"Goodmorning, Architect Valbuena."

"Magandang umaga, Engineer Rosallosa." Pang aasar ko kay Ronna at agad niya akong hinampas.

"Bago ako maging Engr. Rosallosa, magiging Engr. Lorono muna ako, noh!" Flex niya sa surname niya.

Sabay kaming tumawa ni Ronna, nag papractice na kasi kami! She's also busy with her own review at kahit ganoon iyon na mahilig lumabas para pumarty ay may tiwala akong magiging top siya.

We stay sa condo ko to catch up for the past weeks na hindi kami nag kakausap. I appreciate her effort na dayuhin pa ako at magdala ng sarili niyang reviewer.

"Saan mo balak mag work niyan kapag pumasa tayo sa board?"

"Singapore." Ngiti ko, highest paying country ang Singapore ngayon at lowest ang Philippines. Nasa twenty thousand lang ang sweldo dito, I figure out na kapag umalis ako ay mas makakapag travel din ako. Iiwan ko nga lan sila dito but I bet Ronna will be okay.

"Si Karlos kaya?"

"Maybe he'll stay here." Dahil andito si Rose, depende, kung sila pa rin hanggang dulo.

"Ikaw?" Tanong ko sakanya.

"Nag offer sa akin si Jeck----"

"Who's Jeck?" Tanong ko. Umirap naman siya sa akin.

"Jerick! Duh, Sadie. Sino pa ba kalandian ko?"

"Huh, Jeck? Kayo na?"

"No label." Flip niya sa hair niya at kinurot ko ang gilid niya. Ang gagang ito, ang tagal tagal na nilang naghaharutan!

"Sadie, we're not yet that serious!"

"Hindi serious? Sure ka? Sino tumulong sa thesis mo, aber? Sino ang kasama mo mag puyat? Sino ang palaging driver mo kapag pauwi galing inuman? Sino ang may dalang bouquet noong graduation mo? Hmm?? At sino ang dinala ka sa Bohol, sige nga!" Gatong ko sakanya, ngumuso pa siya ng super pabebe at tinaasan ako ng kilay.

"Alam mo, kinikilig ako ng slight." Pigil niya sa tawa niya at saka ako sinabunutan. "Gaga! Kinikilig tuloy ako!"

"Sagutin mo na please, para madiligan ka na." Umasta pa akong parang nag dadasal at malandi siyang tumawa sa akin.

"Palagi nga akong may dilig, e."

"Gaga!" Now, it's my turn para sabunutan siya! Omg! Super bagay kasi talaga sila ni Engr. Rosallosa, sobrang kalog nila pareho at never mauubusan ng topic!

Tinuloy namin ang pag be-baking dahil marami siya kung kumain. Bigla ko naman inalala si Mama, excited na excited iyon noon at talagang tinuturuan ko pa paano mag bake. I miss her so much.

"Hello?"

"Sadie, hey, are you busy?"

"No, Kuya. But I am with Ronna right now and we are baking cookies. Why?"

"How is your review?" Tanong ni Kuya Lourde, rinig ko naman sa background ang pag hagikgik ng kanilang baby ni Ate Caroline.

"Ito, maayos naman. I'm a bit burnt out kaya hindi ako masyadong umaalis unless may kailangan."

"If you need help, don't hesitate to ask me."

"Yes, Kuya. How's baby Louisianna?" Pangangamusta ko sa pamangkin ko na super cute pero minana ang pagiging suplado ni Kuya.

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon