One word to describe Greece. Perfect. Hindi ko maexplain ang beauty ng lugar dahil dati ay sa internet ko lang binabasa ang tourist spots dito.
But right now, I am here. Literal.
"Okay, ten tourist spots in four fucking days. Ready?" Akbay ko kay Ronna at Lauren. We all giggle as we enter the beautiful room here in Santorini.
"Tangina, tara na!" Pagmamadali ni Karlos, bitbit ang tripod niya. We all rush to change into swimwears.
Santorini is the most dramatic of all the Greek isles. It is best known for the west coast cliff-top towns of Fira and Oia, which appear to hang over a deep, blue sea-filled caldera. Tanaw na tanaw namin ang kagandahan ng lugar dito dahil nasa medyo mataas na room kami at may infinity pool.
"Wag na mag pool! Dagat agad, una ulo! Tara!" Tawag ni Karlos.
Sabay sabay naman kaming napatingin sa kabuuan ng upper body niya. Binaba ko din ang sunglasses ko, Ronna whistles and grabs his butt to give it a squeeze.
"Hoy, pwet ko!"
"Bakit ang ganda ng abs mo? Kailan ka pa nag ka abs? Ha? Nag sight seeing ka ng gwapo sa gym?!"
"Hindi! Ako, bakla? Hindi na, no!" Ngiti niya at nilagyan ng sunblock ang matigas niyang abs. Nagkatinginan naman kami ni Lauren.
We'll stay here and tomorrow, the tour will start. We have all the time! May oras para mag beach party mamaya at may oras para matulog. The food is also out of this world, seafoods!
"Guys, may aaminin ako." Biglang sabi ni Ronna, sabay sabay kaming tatlo na tumigil sa pag sipsip ng lobster.
"Ano, tombits ka? Sabi ko na e----"
"Tanga!" Binatukan niya si Karlos. "Ako, tomboy? Hilig jilig ko sa hotdog!"
"God, kumakain tayo!" Saway ni Lauren kahit tawang tawa din siya.
"Ayun nga, I think I'm in love."
"Weh!!!!!!!" Kantyaw namin sakanya, umirap siya sa amin at sumipsip sa kinakain niyang lobster.
"Minsan lang ako mainlove!"
"Gaga, never ka pang nainlove." Pagtatama ko sakanya, kinuha ko ang baso ng beer at tinaas para sakanya. "Para kay Rondetta, sana talaga inlove ka na!"
Kinikilig siyang ngumiti sa amin. "Sakanya lang tumibok ang kipay ko, siya na talaga!"
"Tangina, ang bastos!" Umiling si Karlos at sinabayan kami sa pag inom. Such a good time with great friends.
I had enough beer to keep me awake the whole night. Nag iba na ang ikot ng buhay ko simula noong mag break kami. Hindi na ako nakakatulog after uminom, hindi na ako excited umuwi sa condo kasi wala si Mama, hindi na ako at peace sa sarili ko.
Andami lang binago, in a short period of time ay andaming nag iba.
"Bakit malungkot?"
"Bakit ka pa gising?" Tanong ko pabalik kay Karlos. Sumunod pala siya sa akin, akala ko ay bagsak na sila sa room dahil andami naming ininom.
"Hindi ako makatulog pag di ka okay, alam mo naman iyon. Para tayong magkakambal." Tawa niya.
Sabagay, sabay na din kaming lumaki. Siya na talaga ang kasama ko sa lahat, siya din ang nagturo sa akin noon paano maging nanay sa chinese garter at kumembot sa kanta ng sexbomb.
And until now, siya pa rin ang kasama ko. It's true that friendships can last for more than a lifetime.
"Okay ka pa ba?"
BINABASA MO ANG
SAUDADE: A Warrior In Every Inch
RandomSeñorita. No, that's not a title, pangalan ko iyon. It was just an ordinary day, I woke up and went to my graduation and delivered my valedictory speech. But coming down the stage was the biggest plot twist in my life. I am not just an ordinary girl...
