41- Through These Tears

10 1 0
                                    


Sumuka ako pagtapos kong kumain, hindi ko kinakaya ang lasa. I feel so dizzy and disoriented, lumalabo din ang paningin ko at maya maya ay kumikirot ang sugat ko sa ulo.

I hate the stitches, magmamarka ito sa akin. Tuwing titignan ko ito sa salamin kapag iihi ako ay lalo lang akong magagalit.

"Wala pa bang tawag?"

"Wala pa, Miss." Iwas ni Esther sa akin, alam ko namang inuuna nila ang health ko. Pero paano ako gagaling kung wala akong marinig na balita mula sa boyfriend ko?

Mag lilimang araw na ako dito sa ospital. I'm sick of this place, the smell wants me to vomit the last food I ate.

"Makirot parin, Miss?"

Sinubukan kong dampian ng daliri ang gilid ng sugat ko. Masakit parin at kumikirot kapag aksidenteng masasangga. My left hand is busted too, may malaking tahi doon sa palad ko.

Kung hindi ba naman kasi ako tatanga tanga, lasing ako at doon pa ako pumunta. Mukhang mag kaka phobia na din ako sa swimming pool.

At talagang ito nanaman ang eksena, bubog nanaman ang dumali sa palad ko. Maalala ko nanaman ang kagaguhan ni Vaughn, at itong katangahan ko.

"Pwede ka naman ng lumabas, iintayin lang namin ang sasabihin ng legal guardian mo."

Si Kuya Lourde kasi ang tumayong guardian ko since hindi makapunta dito si Mama. Alam kong nag aalala na iyon pero maayos naman siyang aalagaan ni Royce, iyong isang bodyguard ko na pumalit kay Kuya Roman dahil retired na.

"Malabo parin ba ang paningin mo?"

"Opo."

"Inaantok ka madalas?"

"Madalas, pero kapag walang painkiller hindi ako makatulog." Bulong ko. May mga gabi kasing hirap na hirap ako umidlip, ang kirot at parang pinipisil ang sugat ko.

"Are you aware of what happened?" Ngayon lang nila ako tinatanong tanong ng ganito dahil nitong mga nakaraang araw ay para akong lutang. Hidni ako agad makarespond sa tanong nila, epekto daw iyon dahil masama ang pagkakabagsak ng ulo ko.

"Opo, bumagsak ako patalikod pero nakatagilid ang ulo ko at tumama iyong bubog...." I said, inaalala ko palang ay sumasakit nanaman.

"Okay, you had a moderate traumatic brain injury that causes unconsciousness lasting more than 30 minutes but less than 24 hours." Banggit ng doctor sa akin. "Ilang hours din after ng operation mo bago ka gumising. Around four a.m noong dinala ka dito then at three p.m the same day ay doon ka gumising. Hindi ka namin mabigyan kaagad ng anesthesia because you were drunk."

"Nakakarinig ako ng boses pero hindi ako magising." Sabi ko sakanya.

"Normal iyon, Twenty-five percent of all unconscious patients can hear, understand, and emotionally respond to what is happening in their external environment. However, because you were under medical condition, you are incapable of moving."

"Gusto ko na po umuwi." Bulong ko, I need to do my thesis. Madami pa akong rereview-hin para sa exams. I just don't want to fail dahil lang sa isang aksidente.

Pumayag naman ang doctor ko, he also gives me a list of things I should avoid. Dahil fresh parin daw ang pagkakatahi ay dapat palaging malinis ang side kong iyon, regular ang pag inom ng painkillers kung may sasakit parin. And I should avoid bad lighting sa condo para hindi lalong lumabo ang mata ko, bawal din mag buhat buhag n mabigat.

And lastly, bawal mapagod at mag puyat.

"Bawal na muna ang alak." Paalala niya. "Hirap kaming gamutin ka at bigyan ng anesthesia dahil lasing na lasing ka."

SAUDADE: A Warrior In Every InchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon