CHAPTER 6

1.5K 53 6
                                        

KAYSEN's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAYSEN's POV


(Team Delta)

Tinipon kami ng leader naming si Captain Axl sa isang banda para pag-usapan ang aming plano. Masyadong malawak ang Area 11 kaya mahihirapan kaming hanapin ang mga white flags kung icocover namin ang bawat isa lalo na at apat lang kami. Mas mapapabilis ang mission namin kung maghihiwalay-hiwalay kami. But the command is not mine. Cpt. Axl will decide.

"Tama! Mas madali kung maghihiwa-hiwalay tayo. But in our situation... It's too dangerous," aniya na seryoso ang mukha. Sabagay, lagi namang ganiyan ang itsura niya.

"So anong plano?" Tanong ni Skyler.

"Si Kaysen sa East, ako sa west," panimula ni Cpt. Axl. "But the two of you," bumaling siya ng tingin kina Skyler at Terrence. Lalong lalo na kay Terrence of course.

"Cover each other heading North. Bumalik kayong magkasama," command niya.

"Huh? Bakit kaming dalawa ang magkasama?" Kunot noong reklamo ni Terrence. Nagtanong pa siya, alam naman niyang hindi siya pwedeng iwanan mag-isa dahil baka mamatay kaming lahat.

"You need to stick together with Sky. That's my order!" Matapang na saad ni Cpt.

"Okay! Okay!" Wala na siyang nagawa kung hindi ang pumayag.

"We only have to get seven or eight flags and then... run back to the post. Copy?" He added.

"Copy!" Mabilis naming tugon sa kaniya.

"Two flags per person. Copy?" Aniya pa.

"Copy!" Sagot naming muli.

Para sa akin, wala nang tanung-tanong pa kung order iyon ni Cpt. Axl dahil alam ko kung anong uri siya ng leader. Maraming nagsasabi na masyado daw siyang hardworking or trying hard pagdating sa mga missions kahit na hindi naman na kailangan because he is already an Elite, but... he still choose to be serious about everything in this military school. And I think... it's one of his charm as a leader.

Maingat talaga siya sa mga pagpaplano. Iyon ay dahil ang mga propesyong kagaya namin... sa field lumalaban. Buhay ang nakasalalay dito. He really need to be serious enough to save someones life. And admire him for that.

"Stay alive, as much as possible but don't let the enemies win," huling paalala niya sa anin. Iyan naman ang madalas niyang sabihin.

Nang marinig na namin ang putok ng baril, hudyat na iyon na umaandar na ang oras namin. Tumango muna kami ng isang beses sabay-sabay bago nagtungo sa mga dereksyon namin. Sa silangan ako, sa kanluran si Cpt. Axl at sa North naman 'yung dalawa.

Marahan akong pumasok ng kagubatan habang hawak-hawak sa aking rifle. Iniingatan ko ang aking bawat paghakbang na huwag makagawa ng anumang pagkakamali.

Maingat akong nagmasid-masid kung may kalaban ba o wala. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng white flag nang bigla akong makakita ng isang gumagalaw na bagay sa may di kalayuan. Itinutok ko na ang aking baril and ready to shot nang biglang bumungad sa akin ang mukha ng aking kakambal, si Kyree.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon