CHAPTER 4

1.6K 57 3
                                        

COLETTE's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

COLETTE's POV


366 Squadron, Barracks 1. Diyan ako naka-aasign. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng pintuan at binabasa ang mga name nang mga magiging kasamahan ko sa kwarto.

-S. Morgan
-MM. De Jesus
-E. Llanares
-CG. Coleman, that's me.

Okay! Let's get in. *knock! Knock!*

"Pasok!" Narinig kong sagot ng mga nasa loob kaya naman pumasok na ako. Nagulat na lang ako ng makita ko ang ilang mga babae na naka-bra at panty lang. "Waaah!" Napasigaw ako sa sobrang bigla at agad napatakip ng aking mata.

"Ayos ka lang?" Lumapit sa akin ang isang magandang babae na nakadamit naman. Oo! Maganda siya kahit na maikli ang buhok niya. Makinis at maputi ang kanyang kutis at mapula-pula ang labi. Nakasuot siya noon ng plain white shirt at maong short.

"Ah... o-oo! K-kasi... n-nakahubad sila," tumuro ang isang kamay ko kung saan. Kahit kasi na pare-pareho kaming mga babae dito, hindi ako sanay na makakita ng mga nakahubad na babae. Wow! Colette! Galing mo rin no! Kanina nga lang halos hindi mo na matanggal ang mata mo sa kakatitig sa abs ng mga nagjojogging. Ah basta!

"Ikaw ba si Colette? 'Yung new student?" Sambit ng isa pang babae na maikli ang buhok. Nakaupo siya sa kaniyang kama habang nakapanty at bra pero nagbibihis na siya ngayon.

"Pasensya na, ganito kasi talaga kami ng mga roommates ko. Mainit dito sa barracks, walang aircon kaya naghuhubad na lang kami," paliwanag nito na nakabihis na.

"Hindi ako magbibihis para lang sa kaniya no! Ang init kaya! At saka... kailangan niyang masanay sa atin dahil tatlong taon niya tayong makakasama," matapang namang sambit ng isa pang babae pero mukhang lalaki, I mean... 'yung galawan kasi niya ay parang panglalaki. Nakaupo siya sa kaniyang kama at shina-shine ang kaniyang combat shoes.

Dahil sa bungad nilang iyon sa akin, hindi ko na tuloy alam kung paano kong i-introduce ang sarili ko.

"Since bago ka rito, hayaan mong kami muna ang magpakilala sa'yo," magalang na ngiti sa akin ng babaeng nakawhite shirt and short. "My name is Steffany Morgan, Staff Sergeant, 2nd class. Ahead ako sa'yo ng one year, but you can call me Stef," itsura pa lang niya, mukhang mabait na siya. Simple lang ang ganda niya pero nakakabighani pa rin. Hindi halatang nagsusundalo siya.

"Ako naman si Private Everleigh Llanares, 3rd class. Pareho tayong dalawa kaya siguradong magkaklase tayo. Call me Ever," pagpapakilala naman ng kabibihis pa lang.

"Mary Magdalene De Jesus! Huwag mo nang pansinin ang pangalan ko, MM na lang ang itawag mo sa akin. Sergeant, 2nd class. Kaklase ni Stef." Sagot naman ng medyo boyish.

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko talaga maintindihan kung paano sila magpakilala rito. Ano 'yung mga private, sergeant and captain kyeme? Ranggo ba nila iyon? How about 'yung 1st, 2nd, and 3rd class na sinasabi nila?

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon