CHAPTER 10

1.1K 54 7
                                        

COLETTE's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

COLETTE's POV


"Sure ka ba sa ginagawa mo?" Nanlalaki ang matang tanong ko kay Connery habang nakaupo ako sa isang monoblocks na nasa ilalim lang ng puno ng mangga. Nasa likuran ko noon si Connery habang may hawak-hawak na gunting.

Kasama rin namin noon si Ever. Naka-indian sit siya sa may harapan naming dalawa ni Connery. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pinayagan ko si Connery na galawin ang buhok ko. Sabi kasi niya, wala raw Salon sa Area namin.

"Oh sure! five years ko nang ginagawa ito dito sa academy no!" aniya na mukhang seryoso naman. Kaya lang... nagdadalawang isip ulit ako lalo na at si CONNERY siya. Iba ang tunog ng pangalan niya sa akin. Parang Con-man, Con-artist----mga gano'n ba.

Medyo mahaba-haba pa naman ang buhok ko. Mga hanggang baba ng tenga ko. Kaunti lang naman kasi ang ginupit ni Axl, kung baga... warning lang ang ginawa niya sa akin para ipaputol ko na.

Marahang hinawakan ni Connery ang buhok ko nang bigla kong hawakan ang kamay niya sa kaba. "S-sandali! Sandali lang!" nanlalaki ang mga mata ko ng mga oras na iyon at para bang sumasabay ang tibok ng puso ko sa bawat pag-galaw ng gunting.

"Wala kang dapat na ipangamba, kung gusto mo... sasampalin ko ang sarili ko, batukan 'ko sarili ko at sasakalin ko ang sarili ko kapag nagkamali ako," He smiled back to me.

"H-hindi ba pwedeng ikaw na lang ang gumawa nito, Ever?" dinapuan ko ng nakikiusap na tingin si Ever. Kaya lang ay itinapat niya sa mukha ko ang nanginginig niyang kamay.

"Sige! kung gusto mong lumabas utak mo," sarkastikong sagot niya sa akin. Sabi kasi niya kanina, hindi siya pwedeng humawak ng gunting, kutsilyo o anupamang matutulisna bagay dahil pasmado siya.

"O-okay! S-sige...." napapikit na lamang ako sa aking sarili at huminga nang malalim bilang pagpayag sa gusto ni Connery. "P-pero papatayin talaga kita kapag nasira 'yang buhok ko!" singhal ko kay Connery.

"Okay, Baby!" He whispered at pagkatapos ay nagsimula na sa paghila ng hibla ng aking buhok.

O Dios ko, Maria... 

Bawat segundo ay naririnig ko sa aking tenga ang bawat pag-gupit ng gunting niya. Kinakabahan ako pero kailangan maging maayos ito. kun'di lagot talaga siya sa akin.

Maya-maya pa, nakatulog na sa harapan ko si Ever sa sobrang tagal. Umikot si Connery paharap sa akin at saka niya hinawakan ang aking baba. Itinaas niya ang aking ulo paharap sa kaniya upang tignan kung pantay ba ang pagkakagupit niya. He supposed to look at me right and left right? But hey! he's just starring at me so seriously. 

"Why are you looking at me like that?" I uttered out. I saw his eyes shifted above like he was avoiding an eye-contact. Tss! Maybe he found me astonishingly beautiful. Of course! I'm really I am.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon