CHAPTER 34
KYREE's POV
Nasa gitna kami ngayon ng Area 15, naghihintay sa fireworks display nang mapansin namin ni Beckham na napakaraming may hawak ng pulang rosas.
"Anong meron?" napatanong sa akin si Beckham.
"Haaay! Nakalimutan mo na ba ang tradisyon? Tch!" sagot ko. Napaisip-isip siya sa sinabi ko at mayamaya pa ay naalala na niya.
"Aaah!" aniya at pagkuway napasapok sa kaniyang sariling ulo, "Bakit ko nga pala nakalimutan ang napakahalagang bagay na iyon," aniya na nakabusangot ang mukha. Kaugalian na kasi ng mga estudyante dito sa SMA na bago matanaw ang malalaki at makukulay na mga fireworks tuwing School fest... kailangan mong magtapat ng feelings para sa taong napupusuan mo. Iyon ang dahilan kung bakit napakarami ngayong mga lalaki at babae ang may hawak ng pulang rosas. Sumisimbolo ito sa pag-ibig nila para sa isang tao. Naniniwala kasi sila na kapag sabay ninyong pinagmasdan ang fireworks ng magkasama... your love will come true.
Mabilis na hinawakan ni Beckham ang kamay ko at hinila papunta roon sa nagtitinda ng rosas.
"Hindi ka ba bibili? wala kang babaeng napupusuan?" tanong ni Beck sa akin.
"Wala!" mabilis kong sagot sa kaniya. Totoo naman kasing wala akong nagugustuhan. Tingin ko ay hindi ko pa natatagpuan ang babaeng para sa akin.
"Basta para sa akin... si Nurse Kim lang at wala ng iba," nakangiting sambit ni Beckham at saka niya kinuha ang rosas na binila.
"Tss! bakit sinama-sama mo pa ako rito?" aalis na sana ako ng bigla nanaman niya akong hilain.
"Hindi ko kayang mag-isa, samahan mo ako," aniya.
"Seriously?" gulat na gulat kong tanong sa kaniya. Magtatapat siya ng pag-ibig sa babae, tapos isasama niya ako? What am I, an audience?
Ayoko sana sumama pero pilit niya akong hinila. Ang sabi niya, kahit magtago lang daw ako sa may puno. 'Yung totoo?
Beckham call Nurse Kim via phone. Ilang saglit lang ay nakarating na ito. Walang masyadong tao ngayon rito sa Area 11 dahil lahat ay nasa Area 15. This place is left empty for the both of them. kahit papaano ay proud ako sa bunso namin dahil sa wakas ay naglakas loob na siyang magtapat ng nararamdaman niya. 1st year pa lang kasi kami ay crush na crush na niya si Nurse Kim.
"Bakit mo ako pinapunta rito?" tanong ni nurse Kim. Nakatago noon sa likuran ni Beckham ang isang pirasong rosas. Kahit malayo ako sa kanila ay batid ko at ramdam ko ang kaba niya.
"Go Beckham!" palihim kong pagchi-cheer sa kaniya mula dito sa punong kinatataguan ko.
"N-nurse Kim," paunang salita ni Beck.
"Ano 'yun?" nakangiting balik tanong nito.
"C-can you be my Girlfriend?" agarang inilabas ni Beck ang rosas at lumuhod.
"G-gusto kita mula pa noong 1st year ako at... gusto pa rin kita hanggang ngayong graduating student na ako!" matapang niyang saad. Halatang nagulat si nurse Kim sa confession ni Beck ngunit... batid kong hindi niya ito nagustuhan. There's a horror in her face. Medyo nalungkot ako roon. Why?
"Sorry, I can't," malumanay na sagot ni Nurse Kim. Unti-unti namang iniangat ni Beck ang kaniyang paningin sa dalaga. I know Beckham since day one, so I also know that nurse Kim is the only woman for him. Isip bata siya kung tutuusin but... Beckham is the sweetest and kindest member of team foxtrot. Siya ang nagdadala ng kasiyahan sa amin.
"Y-you can't?" napapikit-pikit si Beck. He's still absorbing what he heard.
"I actually have a boyfriend. I love him so much, so I can't. I'm sorry," paliwanag ni nurse Kim. Magalang itong yumuko kay Beckham at agarang humakbang papalayo. Naiwan roon si Beckham na nakaluhod at tulala. D*mn it! Wala akong magagawa kung usapang babae 'yan. Marahan akong lumapit sa kaniya at saka tinapik ang balikat niya.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...