EPILOGUE

1.3K 36 7
                                    

EPILOGUE


AFTER 3 YEARS


June 20 2020.


Buhat buhat si Baby Conner ay nakatayo akong nakaharap sa puntod ni Connery. Wala man ang katawan niya rito, Minabuti na lamang naming bigyan siya ng masasabing puntod.


Tatlong taon na ang nakakalipas nang sumiklab ang digmaan sa Marawi, tatlong taon na ring hindi ko siya kasama. Pagkatapos ng SMA Graduation, nagkaniya-kaniya na rin ng deployment ang mga kasamahan niya. Ang iba ay nasa Palawan, Ang iba ay nasa Sulu, ang iba naman ay nasa Scarborough. Mayroong nasa gitna ng kabundukan at ang iba naman ay nasa malalayong isla. Hindi maiiwasang lumayo sila sa mga mahal nila sa buhay pagkat iyon ang kanilang sinumpaang pangako sa bayan.


"Mama! Mama!" Naiinip na si Baby Conner kaya hinihila na niya ang buhok ko.


"Araaaay! Masakit 'yan baby!" saad ko sa kaniya. Kumunot ang mukha niya at akmang iiyak. Geez! Kasingkulit talaga siya ni Connery.


Mayamaya pa ay tumatakbong lumapit sa akin si Ate Vivien, asawa ni kuya Conrad.


"Hala, Baby ko! Huwag mong sabunutan si tita Leth. Bad 'yan!" suway niya sa kaniyang anak at saka kinuha sa akin ang bata.


"It's okay," nakangiting sambit ko sa kaniya.


Baby Con... may pamangkin ka na, si baby Conner. Anak ni ate Vivien at kuya Conrad.


"Parating na raw sila, na-traffic lang daw," sambit sa akin ni Ate Vivien, she's talking about the whole team. Ang team Delta, Foxtrot, sina Ever, Stef, MM, at ang Organization. Ngayon lang kami uli't magkikita-kita after three years. Dumaan lang kami saglit rito sa simenteryo upang alalahanin si Connery.


"Hintayin ka na lang namin sa may groto, okay?" ani ate Vivien.


"Mm!" tumango-tango ako sa kaniya at saka na siya umalis. Muli akong humarap sa puntod ni Connery at bumulong sa hangin.


"Connery..." panimula ko.


"Mahaba na ang buhok ko, It supposed to be our wedding ceremony and not your death anniversary."


THE END!


Special Military Academy written by Thelastlannister

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon