CHAPTER 8

1.1K 49 14
                                    

COLETTE's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

COLETTE's POV


"Oh siya sige! Kunin mo na 'yan! Limang daan lang 'yan," nakangiting iniabot ni Ever 'yung isang picture ni Terrence doon sa babaeng taga-kabilang barracks.

"Ito! Ito ang akin. Magkano 'to?" Turo naman ng isang babae sa picture ni Beckham.

"Ay! Mas mura 'yan 'te! 250 pesos na lang para sa'yo, murang-mura na wala nang tawad!" Saad ni Ever na para bang nagtitinda lang sa Divisoria. Pero 'yung binebenta niya... mga pictures ng team Delta and Foxtrot.

"Oh my God! Magkano 'to!" Nagpupuso ang mata ng babae nang makita niya ang picture ni Lorkhan na naka‐topless at nagpa-practice ng samurai. Kukunin pa lang niya ito sa maliit na lamesa ng bigla itong hilain ni Ever.

"Bakit?" Nanlalaki ang mata ng babae ng ilayo ito sa kaniya.

"Limited edition 'to kaya mahal," nagtaas ng kilay si Ever.

"Magkano ba?" Agad na tanong ng babae.

"1000!" Mabilis nitong sagot na napa-inhale ako bigla with my eys wide open. 1000? Para sa isang wallet size na picture? Sinong crazy girl ang bibili ng----

"Kahit na magkano pa 'yan, bibilhin ko!" Mabilis na naglabas ng pera ang babae at ibinigay kay Ever. What the fudge! Hindi lang iyon... may mas malala pa.

"Wala bang picture ni Captain Axl and Captain Connery?" Tanong nung iba pang mga nakapilang babae. Grabe! Ganito ba thirsty sa lalaki ang mga 'to? Napangiwi na lang ako sa mga nakikita ko.

"Ganyan talaga dito. Ang mga lakaki, uhaw sa babae. Ang mga babae, uhaw sa lalaki," MM sighed. Pero mukhang siya, hindi naman.

"Ibang level ang mga pictures ng mga iyon," saad ni Ever talking about Axl and Connery. Anong ibig niyang sabihin?

"Pinapa-auction ko sila. Starting from the bid of 10,000 pesos," Ever winked at them. Woooow! I can't believe it! Napaka-gahaman pala ng babaitang 'to mas malala pa sa freny ko na si Heidi.

"Hayaan n'yo na siya, 'yung kikitain naman niya riyan ay magagamit din natin dito sa barracks," nakangiting saad sa akin ni Stef at saka niya ipinatong ang kaniyang kamay sa aking balikat.

"Ever," tawag ni Stef facing Ever.

"Yes? Why?"

"Afer mo diyan bumalik ka na sa bed mo at magpahinga na," mahinahong utos nito, as expected for a real leader.

Pagkatapos magbenta ni Ever ng mga pictures, bumalik na siya sa bed niya na nasa tabi ko lang naman.

"Hindi ba't parang ang mahal naman ata ng bentahan mo?" Nakangiwing tanong ko kay Ever habang nakaupo sa bed ko.

"Eh kasi, nakasalalay ang buhay ko dun. Kinukuhanan ko sila ng picture kahit na nasa field training sila," ngumuso siya sa akin. Anong field training? Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. GOSH! Ang dami ko pang hindi alam kung paano mag-rotate ang world here.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon