CHAPTER 44
COLETTE's POV
Another months passed. Maayos na ang lagay ng eskwelahan at unti-unti nang bumabangon ang Marawi. Nakaupo ako ngayon sa may ilalim ng punong manga kung saan ako ginupitan ni Connery noon. Nakatanaw ako sa mga estudyante ng SMA na busy sa paghahanda ng Graduation ng mga seniors namin.
Ang mga third year na sina Stef at MM ang nangunguna sa ilang mga ka-eskwela namin para sa pagsalubong sa presidente. Kaming mga second year, sa security kami inilagay. Break time naming kaya pinili kong magtambay sa lugar na ito kung saan maalala ko si Connery. Masakit pa rin, sobrang sakit pa rin. Hindi ko alam kung kailan mawawala ang sakit. Parang... parang habang buhay na ata ito sa puso ko.
BECKHAM's POV
Graduation na namin. Ito ang ilang taon naming pinaghirapan ng sama-sama, ang makamayan ang presidente at magawaran ng parangal ngunit... hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi. Ang sabi ni Captain... sabay sabay kaming ga-graduate, pero siya itong... nangiwan sa amin.
Tuwing naalala ko siya, hindi ko mapigilang lumuha ng sobra. Habang inaayos ko ang lahat ng aking uniporme, maging ang unipormenng ginamit ko sa digmaan, natigil ako sa pagiyak ng mapansin ko ang apilidong nakasulat roon. "Mamauag" napapikit-pikit ako ng mabasa ito. Bakit nandito ang uniporme ni Captain Connery? Napaisip-isip ako. Isang tagpo lang ang bumalik sa aking ala-ala, iyon ay noong sabay kaming naligo at ipinatong ang aming mga uniporme bago kami umatake sa mga kalaban.
Hindi kaya... Nagkapalit kami? Kung ganoon... agad kong kinalkal ang bulsa ng dibdib nito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang pirasong papel na nakatupi. A-ang... ang last letter niya. Ibig sabihin... may naiwan pa rin siyang ala-ala. Napa-iyak ako sa sobrang saya.
Mabilis akong tumakbo noon papunta kay tita Anastasia upang iabot ito sa kanila.
"Tita! Tita!" nakangiti akong tumakbo papasok ng kanilang bahay. Naabutan ko noon si tita Anastasia na inaayos ang damitan ni Connery. Magang-maga pa rin ang kaniyang mga mata.
"Oh Beck? A-ano't naparito ka?" tanong niya. Marahan kong iniabot sa kaniya ang huling sulat ni Connery. Walang anupa'y kinuha niya ito sa aking kamay at mabilis na binuksan. Tahimik niya itong binawa at muling umiyak ng umiyak.
"Mahal ko..." tawag ni tito Condor nang makita ang asawa. Inalalayan niya ito sa balikat at marahang niyakap.
"Ang anak ko... ibalik mo ang anak ko..." patuloy niyang paghihimutok.
SMA 39th Graduation Rites, ManHaKa Class of 2017
COLETTE's POV
Nakatayo ako ngayon sa baba ng mga bleachers, nagbabantay ng mga bisita. Katabi ko lang noon si Ever na kasama ko rin sa security. Sa may gitna ng Area 15, nakalatag roon ang mga upuan kung saan nakaupo ang 99 candidates for graduation. Nasa unahan sina Axl, ang team Delta at team Foxtrot. Sa tabi nila ay may isang bakanteng upuan, may nakapatong na mga bulaklak at larawan ni Connery. He is still part of the graduation ceremony by the order of the president Rodrigo Duterte.
"Ladies and gentlemen! Our Guest of Honor, President Rodrigo Roa Duterte, Republic of the Philippines." Announce ng emcee ng umakyat na si Pangulong Duterte sa stage na puno ng bulaklak at mga upuang nakahelera.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
Hài hướcMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)