CHAPTER 24
CONNERY's POV
Unang pasok ko sa SMA. Maraming estudyante ang lumalapit sa akin at nakikipagkilala, just because I'm the second son of General Mamauag. Nginingitian ko naman sila at kinakausap para naman hindi nila sabihing snob ako. I tried to become friendly pero hindi ko yun siniseryoso dahil hindi din naman sila seryoso sa pakikipagkaibigan sa akin. They just want a connection with my family.
"Siya ba 'yun?" bulungan ng ilang mga estudyante sa gilid ko while we're on the field at hinihintay ang instructor namin. Nakatingin sila sa isang dako, kaya naman nilingon ko kung sino ang pinag-uusapan nila. It's one of our classmates. Moreno siya, medyo makapal ang kilay at ang pilik mata. Nag-iisa lang noon siya, walang kasama at walang kausap. Tahimik lamang siyang naka-upo sa may damuhan.
"Kilala mo siya?" Biglang tanong ng lalaki sa may kaliwang tenga ko. Nagulat ako sa kaniya. It's Beckham. Matagal ko na siyang kilala dahil magkababata rin kami.
"Hindi," mabilis kong sagot sa kaniya.
"Ali Syarif Rais, ang pangalan niya," bulong nito sa akin na ikinagulat ko.
"Muslim siya?" biglaang tanong ko. Pangalan pa lang kasi, muslim na muslim na.
"Oo!" tumango si Beckham. Ibinalik ko ang tingin sa lalaking tinawag niyang Ali Shar-- ay ewan!
"At bakit naman siya mag-aaral sa isang Military School na pinatatakbo ng Gobyerno? Hindi ba 'yan NPA?" bulungan ng mga lalaki sa likuran ko.
"Baka mamaya isa 'yang suicide bomber," patuloy nila.
Napakasimple lang ng utak ng mga tao. Pasimple ng pasimple habang tumatakbo ang panahon. Pabobo ng pabobo, pabulok ng pabulok. Ang nasa isipan kasi ng mga taong ito... 'Basta Muslim, Kalaban agad' ang turing nila. Itinanim na nila sa isipan nila na tayong mga kristiyano at Muslim ay magkakalaban. Halos kristiyano kaming lahat dito sa SMA, siya lang ang nag-iisang muslim kaya ganoon na lamang ang pakikitungo nila sa kaniya.
Wala akong pinansin sa kanilang lahat, maliban lang kay Beckham at sa kaaway ko noong si Axl pero... hindi maiwasan ng mga mata ko ang dapuan ng tingin ang nag-iisang sundalo. Tahimik siya sa formation at tahimik din sa klase. Kahit medyo malakas ang sitsitan ng mga katabi niya about sa pagiging muslim niya... hindi siya kumikibo. Tuloy lang siya sa pag-aaral. Nakatagal siya ng anim na buwan na parang walang pinapakinggan sa lahat ng patama sa kaniya ng buong klase. In that way... napahanga talaga niya ako.
Kung ako rin sa pusisyon niya. F*ck them all! I don't care about all of you, Bullsh*ts!
Lahat ng mga kaklase namin ay lumalayo sa kaniya hanggang sa... dumating ang unang resulta ng ranking namin. Nagulat na lamang ang lahat sa nakita nilang pangalang nangunguna sa listahan.
It's Ali Syarif Rais. The Top 1 student. Natahimik ang lahat sa may harapan ng board. Lalo silang natameme ng dumating roon si Ali at tahimik na hinanap ang pangalan niya. Nang makita na niya ito, nakita ko ang pagsilay ng isang maliit na ngiti sa bibig niya. It was a smirked. I know he silently mocked all the student who tried to pull him down. Dahil doon... napa-smirked din ako. I liked the way he turned down all his enemies. And from that day onward... he gain my respect as a soldier. Siya ang taong nagpatunay nang kasabihang "work in silence and let your success make the noise."
Napatingin muli ako noon sa bulletin board. Pangalawa lang ako sa ranking, at pangatlo naman si Axl. Pagkatapos na pagkatapos ng araw na iyon, pinatawag ako ni Dad sa office niya.
"Second ka lang," aniya.
"Oo! ang galing ko 'di ba? one hundred kami lahat lahat tapos pang-second ako!" nakangiti kong pagmamayabang sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
ComédieMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)