CHAPTER 36

578 21 1
                                        

CHAPTER 36


COLETTE's POV


Madaling araw. Mga alascuatro. Nakahiga sa lap ko si Connery at nagpapahinga nang biglang lumapit sa akin si Heidi at ipakita ang isang balita sa kaniyang phone.

"Lette, Look at this," aniya at itinapat ang screen sa akin.

"Isang eskwelahan at isang hospital ang pinasabog na halos magkasunod sa bayan ng Marawi na nasa lalawigan ng Lanao del sur. May hinihinalang nasa limampu ang patay at limang daan naman ang mga sugatan. Tinitiyak naman ng pwersang militar na gagawin nila ang lahat upang mahanap at mapanagot ang sinomang may gawa nito. Ang ilan pang mga detalye ay ihahatid sa inyo ni Kata Tibayan," saad ng reporter.

Ipinakita sa kuha ng camera nito ang casualty sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog. Sira-sira at bagsak ang mga konkretong bahagi ng eskwelahan at bagsak din ang mga matitibay na haligi nito. Wasak na wasak ang lahat kaya't masasabi mong wala talagang balak na buhayin ng mga gumawa nito ang sinomang mga taong nasa loob ng gusaling iyon. Mga wala silang awa.

*BOOGSH!* isa pang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa kalagitnaan ng pagbabalita nito. Bumaba ang camera nila kaya naman wala kaming ibang nakita kung hindi ang kalsada at ang ilang mga anino ng taong naroroon.

"Ma'am, umalis muna kayo rito," maririnig sa backgound ang boses ng isang lalaking nagpapaalis sa kanila. Gumagalaw pa ang camera, ngunit paa lamang ang aming nakikita. Nahagip no'n ang isang combat shoes ng sundalo sa tabi nila at pagkatapos ay bigla na lamang namatay ang camera.

"Nakakatakot naman, magkakaroon ba ng gyera?" saad ni Heidi at saka siya napayakap sa kaniyang sarili.

"Malayo naman ang Marawi dito," sagot ko sa kaniya at saka ako napatingin muli kay Connery. Mahimbing ang tulog niya. Habang pinagmamasdan ko siya, bumalik sa akin ang takot noong tumakbo siya papalayo sa akin at nagtungo sa mga taong nangangailangan. Hindi nawawala sa aking isipan na maaring mangyari ulit iyon at may tsyansang... hindi ko na masisilayan pa ang ngiti niya.

"'Wag na 'wag mo na akong iiwan ulit," bulong ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi niya kaya nagulat ako. Gising pa siya? pero kanina pa nakapikit ang mga mata niya.

"Saan man ako magpunta, sayo at sayo lang ako uuwi," sambit niya habang nakapikit pa rin.

Nang magliwanag na ang aming paligid, Mas lalong tumambad sa amin ang sira-sirang istraktura ng eskwelahan namin. Parang 'yung napanood lang namin ni Heidi sa balita. Maaga pa lang ay nagsimula na rin ang search and rescue sa iba pang mga estudyanteng nawawala. Ang iba naman ay iniinterview ng mga intels na naroroon. Sandaling nakipag-usap si Ever sa mga kasamahan niya at bumalik sa tabi ko. Wala na noon si Connery at ang mga kasamahan niya dahil tumutulong sila sa iba pa nilang mga kasamahan.

"Tingin ng mga intel, konektado raw ang pag-atake sa eskwelahan natin at maging sa pag-atake sa Marawi. May spy sa loob ng eskwelahan natin," balita niya sa akin.



GENERAL MAMAUAG's POV


"Wala bang magsasalita sa inyo tungkol rito?" tanong ng presidente. Walang naglakas oob na sumagot sa kaniya. Tikom ang bibig ng lahat at nakatingin lamang sa aming sari-sariling mga palad.

"Huwag ninyo akong pagmukhaing tanga! Mga p*tang ina ninyong lahat!" sigaw ng presidente sabay hagis ng sulat sa harapan naming lahat. Sabihin na nga nating mga heneral na nga kami, ngunit sa itaas namin, mas makapangyarihan pa rin siya.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon